Julie Anne San Jose denies anorexia rumors

Julie Anne San Jose on her weight loss: "Kasi po nag-diet po ako noong una. Tapos, yun. Nagtuloy tuloy na po. Tapos, dumami yung work ko. Napabayaan ko for quiet some time."


Kapansin-pansin ang payat na pangangatawan ngayon ni Julie Anne San Jose.

Sa press launch ng bagong afternoon series ng GMA Network na Buena Familia, kung saan kasama siya sa cast, napansin ng taga-media na labas ang mga buto ni Julie Anne sa balikat at halos patpat na lang sa nipis ang kanyang mga braso.

Ano bang nangyari at pumayat siya ng ganun? Dati kasi, malaman ang pangangatawan ni Julie Anne.

Paliwanag ng Kapuso singer-actress, “Kasi po nag-diet po ako noong una. Tapos, yun, nagtuluy tuloy na po.

"Tapos, dumami yung work ko. Napabayaan ko for quiet some time."

May naghihinalang baka anorexic siya, ngunit diin ni Julie Anne, "Ay, hindi po! Hindi po."

Baka dahil ito sa slimming pills or anything na pampayat?

“Ay, hindi po, never po akong nag-take ng kahit na anong iniinom.

“Malakas po kasi akong mag-cardio before. Yun po talaga yung malakas na nakapagpayat sa akin.

“Bike lang. Kasi po kinailangan ko siya for the music video before na shinoot ko na.

"So, doon na ako nag-start.

"Kumakain po ako. Hindi naman po malakas pero I’m trying to gain more weight.”

Nag-gain ba si Julie Anne ng confidence nung pumayat siya?

Aniya, “Well, kasi as a celebrity, you have to look good.

"Alam mo dito sa atin, masyadong judgmental ang mga tao."

Dati raw ay nasa 21 hanggang 22 inches ang waistline ni Julie Anne. Pero dahil ibinabalik na niya ang regular na pagkain, umabot na sa 23 hanggang 24 inches ang kanyang baywang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN