Julie Anne San Jose feels bad Sunday All Stars must end; maintains professional relationship with Alden Richards

Julie Anne San Jose: "I feel very sad kasi sa two years na Sunday All Stars, kumbaga, from SOP, from Party Pilipinas, tapos biglang mawawalan ng musical variety show every Sunday"


Nalulungkot si Julie Anne San Jose sa nalalapit na pagkawala ng Sunday All Stars (SAS), ang weekly musical-variety show ng GMA Network na kinabibilangan niya.

Pahayag niya, “I feel sad.

"I feel very sad kasi sa two years na Sunday All Stars...

"Kumbaga, from SOP, from Party Pilipinas, tapos biglang mawawalan ng musical-variety show every Sunday.

“Kumbaga, yun ang nakasanayan ko na gumigising ako nang umaga dahil magri-rehearsal ako.

"Ang Saturdays ko, nagti-technical rehearsal kami. Tapos may live show kinabukasan.

“Sobrang miss ko yun at hindi lang yung trabaho, kundi mami-miss ko rin yung mga production numbers na ginagawa namin at saka yung circle of friends, yung friendships namin with other artists, at saka yung mga staff—mula sa pinakamababa hanggang sa mataas na nakatrabaho ko.”

Sa pagkakaalam ni Julie Anne, sa August 9 na ang last airing ng Sunday All Stars.

Pero hindi niya nabanggit kung kailan magsisimula ang show na papalit dito, ang Sunday PINASaya, kung saan kasama rin ang Kapuso singer-actress.

Sa mga lumalabas na balita, makakasama ni Julie Anne sa bagong programang ito sina Ai-Ai delas Alas, Marian Rivera, at Alden Richards.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa presscon ng upcoming afternoon soap ng GMA Network na Buena Familia noong Lunes, July 20.


ON ALDEN RICHARDS. Hindi naman lingid sa marami na hindi nag-uusap ngayon sina Julie Anne at Alden matapos nilang ma-link noon.

Paano kaya ang magiging working relationship nila ngayong magsasama silang muli?

Ayon kay Julie Anne, “It’s just a matter of professionalism. I’m okay with it.

"Kumbaga, kahit ano… I’m just being civil naman.

"So, wala naman pong kaso sa akin."

Kailangan bang makapag-usap muna sila para mawala yung awkward feelings nila sa isa’t isa bago magtrabaho?

“Well, I don’t know... But, for me, okey lang na oo, okey lang na hindi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag nagkikita ba sila sa Sunday All Stars ay hindi rin sila nagbabatian? Nagdededmahan ba sila?

Ayon kay Julie Anne, “Hindi naman po sa nagdi-dedmahan, pero kapag nagkakasalubong lang kami… nagkasalubong lang. Yun lang.”

Hindi ba nakakailang na hindi sila nagbabatian, pero magsasama sila sa isang show? Paano sila makakapagtrabaho nang maayos?

Saad ng Kapuso star, “I think and I believe that things will be gonna okay naman.

"As soon as we were together na at magkasama kami sa isang show, di ba?"

Mabuti't hindi niya tinanggihan ang bagong show nang malaman niyang magsasama sila ni Alden dito?

“Well, kasi at first, hindi ko pa alam kung sino ang makakasama po talaga. So, kailan ko lang nalaman.

“Okey lang sa akin. Saka masaya naman yung in-offer na show.”

Kailan niya nalaman na kasama si Alden sa show?

“Nung before po nung story conference. Saka before po... like yung nag-meeting na po kami.”

Ano ang reaksiyon ni Julie Anne?

“Hindi naman po ako na-shock. Okey lang...”


ALDEN AND YAYA DUB. Regular ding napapanood si Alden sa noontime show na Eat Bulaga!, kung saan sumisikat ang "loveteam" nito kay Yaya Dub, ang karakter na ginagampanan ng baguhang si Maine Mendoza.

Ano ang comment ni Julie Anne dito?

Sabi niya, “There’s no problem with that. I totally respect kung anuman yung thing nila.

"Basta, I respect kung anuman yung sa kanila in as much as I respect the others in showbiz.

"Walang kaso sa akin."

Nagbatian ba sila ni Alden sa storycon ng bagong show nila?

“Uhm… yeah. But it’s okay. I’m okay,” sagot ni Julie Anne.

May sama ba siya ng loob kay Alden?

“Wala po.”

May natitira pa ba siyang pagmamahal sa aktor?

“Ay, may ganun talagang tanong? Puwedeng hindi ko na lang po sagutin 'yan?” paiwas na sabi ni Julie Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN