Aicelle Santos blames "outside factor" for breakup of La Diva

Aicelle Santos: "For now, as La Diva, mukhang solo-solo flight lang muna kami."


Bagamat may kanya-kanya nang karerang tinatahak ang mga dating miyembro ng La Diva na sina Aicelle Santos, Maricris Garcia, at Jonalyn Viray, hindi pa rin naaayos ang kanilang gap o samaan ng loob na diumano'y dahilan kung bakit na-disband ang grupo.

Komento ni Aicelle tungkol sa isyung ito, “Ay, ganun! May tsikang ganun?

"Darating din po tayo sa ganun.

"Ako, sa totoo lang po, ang sarap po na palalakasin ng bawat isa yung career.

“And then, there comes a time na magkaroon kami ng proyekto, maybe a concert together. Ang lakas po nun.

“Kasi malaki po ang bilib namin sa grupo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aicelle matapos ang presscon proper ng Buena Familia, ang bagong afternoon soap ng GMA Network, noong Lunes, July 20.

REACHING OUT. Tinanong ng PEP si Aicelle kung nag-reach out na ba silang tatlo nina Jonalyn at Maricris sa isa’t isa.

Natawa nang malakas si Aicelle at sinabing, “Ang hirap naman pong sagutin! Phone a friend?!”

Nag-effort ba silang ayusin ang hindi nila pagkakaunawaan o anumang dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang kanilang grupo?

Ayon kay Aicelle, “Yung outside factor naman kasi naging problema namin.

"Individually naman kasi, yung relasyon ko with Jona, yung relasyon ko with Cris, kung kaming tatlo lang, okey naman, e… yun lang ang masasabi ko."

Ibig sabihin, meron lang nagpagulo?

“Oo. ‘Coz, as a person, like makikita ninyo naman na I’m more close to Cris.

"Kay Jona kasi, wala akong masasabi. Napakabait na tao, napaka-talented.

“And the things she has achieved, sobrang-sobrang masaya ako for her. Kasi alam ko yung istorya niya dati.

"Kung ano yung pinagmulan namin. Pare-pareho naman kami.

"So, I’m happy for her."

Ang gap ba nila ay walang kinalaman sa kung sino ang mas mahusay, kung sino ang mas diva, o may insecurity sila sa isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanggi ni Aicelle, “Wala naman po, definitely wala naman po.

"Kasi magkakaroon ka lang ng ganun kapag may insecurity ka, e. Mahirap yun.

“Pag galing sa sarili mo yun, magkakaroon ng inggitan.”

OKAY AT WORK. Kung outside factor yung pinanggalingan ng problema, bakit hinayaan nilang masira yung closeness o samahan nila?

Tugon ni Aicelle, “E, choices po yun, e. May mga differences kami pare-pareho.

"Ganun naman po sa grupo, hindi naman pare-pareho ng beliefs... mga ganyan."

Pero matagal nang hindi pa sila nagre-reconcile, tatlong taon na?

Diin ni Aicelle, “But we’re okay at work. When at work, we’re together.

"Actually, nitong huli, nagkaroon kami ng recent duet with Jona sa concert ni Mr. Mon Faustino.

“I miss her, I really miss her. I really miss the group.”

Nagkakuwentuhan ba sila ni Jonalyn at napag-usapan yung problema?

Ayon kay Aicelle, “Busy po kami parehas ni Jona. Nagmamadali kami pareho [sa rehearsal].

"I think may Rak of Aegis ako noon, may pinanggalingan.”

Malabo na bang magkabati silang tatlo ngayong mawawala na ang Sunday All Stars, kung saan sila laging nagkakasama at nagkikita every Sunday?

“Ahm, meron pa 'yan. Positibo naman ako na magpapahinga lang.

"Sana meron pa rin. Kasi napakaraming talented singers and dancers ng network.”

Ano yung chance na magiging buo pa rin sila o magsasama?

“For now, as La Diva, mukhang solo-solo flight lang muna kami,” sagot ni Aicelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN