Luis Manzano fights back against basher who called him "gay" on Twitter

Nakipagsagutan ang Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano sa isang basher. “Some people just deserve it, always tough through a screen, di naman lalaban [nang] harap-harapan.”


“Some artists choose to purely ignore while some ignore or retaliate, I'm the latter.”

Ito ang tweet ng Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano kaugnay ng pakikipagsagutan niya sa Twitter sa isang basher na tinawag siyang “bakla.”

Nangyari ang pakikipagsagutan ni Luis sa basher—na may user name na "ABalauro"—nitong Miyerkules, July 22.

May followers si Luis na inakalang na-hack ang Twitter account ng TV host-actor dahil sa sunud-sunod na pakikipagsagutan nito sa naturang basher.

Nilinaw naman ng The Voice Kids at Kapamilya Deal or No Deal host kung ano ang nangyari.

Sabi niya, “Guys, my twitter wasn't hacked, you guys know me, once in a while it's ok to fight back :) it's fun! It makes me laugh when I'm bored :)”

Guys, my twitter wasn't hacked, you guys know me, once in a while it's ok to fight back :) it's fun! It makes me laugh when i'm bored :)

— Luis Manzano (@luckymanzano) July 22, 2015

Dagdag pa ni Luis, hindi siya nakikipag-giyera sa nasabing basher kundi “just having fun with someone filled with hate.”

Di naman gera yun, it was just having a good laugh with someone filled with hate :) it was fun for me ;) https://t.co/kT3PBoTK3P

— Luis Manzano (@luckymanzano) July 22, 2015

Hindi na rin daw bago sa kanya ang gay issue.

The gay issue is nothing new :) https://t.co/m75hkqjqrE

— Luis Manzano (@luckymanzano) July 22, 2015

Pahayag pa ni Luis pagdating sa pagsagot sa haters: “Some people just deserve it, always tough through a screen, di naman lalaban [nang] harap-harapan.”

Aniya pa, sa likod ng haters ay mga lihim na fans na nagtatago ng identity.

Maging si Vice Ganda ay nag-comment at natawa sa pakikipagpalitan ng salita ni Luis sa kanyang basher.

@vicegandako - hi munchie!!! Naku alam mo yan!! Yang mga tao na puro ganyan lang sa buhay dahil may internet na :)

— Luis Manzano (@luckymanzano) July 22, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN