Gabbi Garcia silences religious issue allegedly hindering budding romance with Ruru Madrid

Gabbi Garcia is prepared that her loveteam with Ruru Madrid will end eventually. She says, “It’s showbiz, it’s work, we can’t really tell kung kailan kami paghihiwalayin. Pero nasa-sad din kami kahit paano."


Simula nang pasukin ni Gabbi Garcia ang showbiz, wala ng ibang nai-loveteam sa kanya kung hindi si Ruru Madrid , kaya ganoon raw talaga sila kakumportable sa isa’t isa.

Handa na ba si Gabbi kung sakaling maisipan ng GMA Network na ipareha siya sa iba pagkatapos ng primetime series nilang Let The Love Begin?

Tugon ng Kapuso teen actress, “Actually, tuwing napag-uusapan namin yun, may ano na, ‘Baka sa next soap natin, hindi na tayo ang partner,’ yung ganyan

“Pero now naman po, hindi pa namin napi-feel na paghihiwalayin kami.

“Feeling ko po kasi, nagsisimula pa lang din naman ang loveteam namin so ide-develop pa nila.

“Kung sakali at mangyari man yun, okey lang din naman po para ma-try sa iba.

“Hindi rin naman po doon mag-i-stop kung anuman ang na-build naming relationship.

“Kumbaga, nasa sa amin pa rin po yun kung magiging close kami o hindi.

“It’s showbiz, it’s work, we can’t really tell kung kailan kami paghihiwalayin.

“Pero kapag napag-uusapan namin yun, nasa-sad din kami kahit paano.

“Halos every day na kaming magkasama. Kumbaga, hindi na kami others sa isa’t isa.”


REEL TO REAL? Matagal bago nakasagot si Gabbi nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung hindi ba talaga nakaka-“develop” ng feelings ang pagiging magka-loveteam nila ni Ruru.

“Siguro sa pagka-develop… basta ang masasabi ko, si Ruru ang palaging unang tao na kinakausap ko. Palagi kong tinatawagan kapag may gusto akong kausapin.

“Pero hindi pa naman po dumarating sa ganoong point… tanungin niyo na lang po siya!” natawang sabi pa niya.

Nanliligaw ba sa kanya si Ruru?

“Parang wala pa naman po yatang ganun, ewan ko sa kanya, tanungin niyo po siya,” iwas ni Gabbi.

Sa ngayon kasi, ang tila nakikitang puwedeng maging hadlang sa kanila ay ang relihiyon nila, bilang Katoliko siya at Iglesia ni Cristo naman si Ruru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng 16-year-old actress tungkol dito, “E, sa lahat naman po yata talaga, yung mga ganung bagay, pinag-iisipan talaga.

“Pero as of now, yung hadlang... wala pa naman po sa hadlang-hadlang, kasi wala naman pong nangyayari sa amin.

“Hindi pa po ako naba-bother dun.

"Parang our young minds don’t extend pa dun sa mga religion. We don’t talk about it naman."


TOO YOUNG. Malapit na rin sa isa’t isa ang mga magulang nina Gabbi at Ruru.

Pero dahil 16 years old pa lamang si Gabbi, pinagbabawalan ba siya ng mga magulang na makipag-boyfriend?

Tugon niya, “Siyempre po, the usual na mga magulang, pero they trust Ruru naman.

"And malaki rin naman ang respeto ni Ruru sa kanila and they can feel it.

“So, I don’t think na Ruru will do anything to break the trust.”

Payag naman na ba ang magulang niyang makipag-boyfriend siya?

“Parang hindi pa po, sixteen pa lang po ako.”


STUDIES FIRST. Naka-graduate na ng high school si Gabbi sa St. Paul Pasig, at katuparan daw ito ng pangako niya sa kanyang mga magulang.

Hindi raw siya nakapag-enroll agad sa college, pero susubukan niyang pumasok sa second semester.

Sabi ni Gabbi, “Gusto ko pa rin pong ituloy yung plano kong mag-pilot.

“Pero siyempre, bago ka pa naman po makapag-piloto, kailangan mo pang mag-four year course, so yun muna ang uunahin ko.

“Baka po mag-Communication Arts ako or anything media-related.”

Hindi raw niiya iisantabi ang pag-aaral kahit artista na siya.

“Sa family po kasi namin, education talaga yung priority.

“At saka ano po talaga ako, bago ako mag-artista, tutok ako sa studies ko.

“Like, active ako sa school. Yung academic ko, tinututukan ko talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN