Sheena Halili admits crush on Marian Rivera

Sheena Halili says she has lesbian friends, but they don't dare make a move on her. "Lalaki talaga ang gusto ko, e, ‘di ba?”


Babaeng-babae si Sheena Halili pero may crush daw siyang babae.

Ito ay walang iba kundi ang kaibigan niyang si Marian Rivera.

“Nagagandahan ako sa kanya.

"Si Yanyan, kahit ilang beses ko na siyang nakasama, ang ganda-ganda!

“‘Di ba, yung mula ulo hanggang paa, gusto mong tapakan, gusto mong sugatan!” natatawang biro pa ni Sheena.

Hindi rin daw kaya ni Sheena ang makipag-kissing scene sa kapwa niya artistang babae.

“Ay, bawal yun, hindi ko kaya!

"Ayoko magsalita nang tapos, pero hindi talaga, hindi ko kaya.

“Pero wala pong masamang ibig sabihin yun, may kanya-kanya lang po tayong karapatan.

"Tulad ng pag-respect ko sa kanila, ganun din po sana sa akin.

“Magpagupit na lang tayo!”

Si Chynna Ortaleza kasi na kasama niya sa The Rich Man’s Daughter ay nagpagupit ng buhok para sa lesbian role nito.

LESBIAN ADMIRERS. Dahil sa teleserye nila ay dumami raw ang admirers na lesbian ni Glaiza de Castro, na gumaganap bilang Althea.

Ganito rin ba ang nangyari kay Sheena?

“Wala,” sagot ng StarStruck alumna.

Pero noon daw ay naligawan na siya ng tomboy.

“May isang nagkagusto sa akin na tiboms noon.”

Pero hindi na raw umabot sa panliligaw kay Sheena ang naturang lesbian, “No, ayoko!”

Paano niya nalaman na may gusto ito sa kanya?

“Sinabi niya, siyempre ang ligaw, magpapaalam muna, ‘di ba?

"So, hindi na umabot sa ligaw. May gusto lang siya."

Nasa high school pa lang daw si Sheena noon. Paano nagpaalam sa kanya na manliligaw sana ito?

“Nag-hi, ‘tapos tumawag sa bahay, wala pang cellphone, ganyan, landline pa.

“Tapos nakikipagkaibigan, kiyeme-kiyeme, e, malay ko bang…”

Niregaluhan ba siya?

“Hindi umabot sa ganun, pinigilan ko na dun…

"Parang sinabi niya nga na ina-admire niya ako, parang ganun yata.

“Nagulat ako! ‘Ay, hindi puwede. Bye!’"

Taga-ibang eskuwelahan daw ito at nagulat nga si Sheena kung paano nalaman nito ang landline number niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman all-girls yung sa akin, pero siya, parang galing sa all-girls [school]. Dun naman, di ba, madalas?”

So, ayaw niya sa tomboy?

“Hindi naman sa ayaw, e, lalaki talaga ang gusto ko, e, ‘di ba?”


ALL EQUAL. Pagdating sa pakikipagkaibigan, pantay naman daw ang tingin ni Sheena sa mga bakla at tomboy.

“Wala po akong pinipili, basta totoong kaibigan, kahit ano pa 'yan.”

Halimbawang may kaibigan siyang babae at later on ay madidiskubre niyang lesbian pala ay magugulat daw si Sheena.

“Ang pagkakaalam ko sa best friend, katabi mong matulog, sinasabihan mo ng lahat ng secrets mo.

"Pag nag-outing, minsan sabay kayo sa CR, walang malisya, kasi alam mong parehas kayong babae, ‘di ba?

“Tapos biglang malalaman mo ganun pala.

“Kasi kahit papaano hina-hug mo siya, nag-a-'I love you' ka, so magugulat talaga ako.”

Ngayon ay may mga kaibigang tomboy si Sheena, pero hindi raw siya nililigawan ng mga ito dahil alam nila na lalaki ang gusto niya.


BEST-KEPT SECRET. Halimbawang may best friend siya at madiskubre niyang tomboy pala, ano ang magiging reaksiyon niya?

Sagot ni Sheena, “Iiyak ako! Kasi hindi ko siya best friend kung ganun, ibig sabin hindi niya inaamin sa akin.”

Kung nahihiya sa kanya?

“Best friend niya nga ako, pag best friend mo, sasabihin mo talaga lahat, ‘di ba?”

Lalayuan niya ito?

“Hindi ko siya lalayuan, magtatanong lang ako, ‘Best friend mo ba talaga ako?’”

Naniniwala ba si Sheena na sa Pilipinas as may tanggap pa rin ang mga bakla kaysa mga tomboy?

“Oo, mas accepted ang mga bakla, ang mga bading.

“At saka bata pa lang, tanggap na sila, ng mga magulang, na may anak silang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN