GMA talent Abel Estanislao shy about showing abs; admits he has non-showbiz girlfriend

Abel Estanislao says he enjoys doing scenes with Ai-Ai delas Alas and Ruru Madrid in Let the Love Begin: “Walang pressure… okay po. And yung momentum, tuluy-tuloy, walang dull moments, walang hintayan na parang may dead air.”


Bukod-tanging si Abel Estanislao ang miyembro ng all-male group na 3logy na hindi naghubad sa music video ng "Pwede Ba," ang official theme song ng GMA Koreanovela na Pinocchio.

Sa music video ay may eksenang naka-topless na nagsu-swimming si Jak Roberto at naka-topless namang nakahiga sa kama si Jeric Gonzales.

Bakit hindi nagpakita ng katawan si Abel sa naturang music video?

Sabi niya, “Hindi pa po ready, by choice din. Ako po ang may ayaw.

“Yung scene ko po kasi dun, nagdyi-gym, e, nagwu-workout so, ayun, nakadamit po.”

Pantay-pantay raw ang exposure nilang tatlo nina Jak at Jeric sa kanta at sa video.

Ayon pa kay Abel, “Biglaan lang din po yung paghuhubad nila, e, so para sa akin, wala lang naman po iyon.

“Si Jak, ready siya. Yung katawan niya, physically-ready.

"Ako, medyo hindi pa."

Biro pa niya, “Sa sobrang mahal ko po yung abs ko, tinakpan ko po muna ng konting fats!”

Ngayon daw ay nagpapakundisyon muli ng katawan si Abel.

Ang "Pwede Ba" ay isinulat ni Mikoy Morales na inawit ng 3logy.

Masaya raw si Abel sa pagkakaroon ng pinakauna niyang music video.

“Parang naglalaro lang, sobrang saya po sa pakiramdam kasi first time po.

“First original song, ‘tapos may music video kaagad, parang sobrang ang saya sa pakiramdam po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal0 si Abel sa press launch ng music video ng "Pwede Ba" noong July 21 sa GMA Network Center.

ABEL'S GIRLFRIEND. Samantala, inamin ni Abel na may girlfriend siya ngayon.

Lumabas ang balitang may girlfriend siya, pero itinatago niya ito noong una. Non-showbiz ba ang babaeng itinatago niya?

“Yes po, non-showbiz po… girlfriend ko po,” sabi niya.

One year na raw ang relationship nila. Hindi naman raw nagagalit ang girlfriend niya kapag idini-deny ito ni Abel.

“Naiintindihan naman po niya, e.

"Ako din po mismo ang nag-ano para maging professional na lang din po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon ko lang naisip na kung itago ko, ‘tapos ngayon nalaman din nila, same din naman.

“And ayun, hindi ko naman dini-display din sa labas, I mean hindi parang binubulgar ko sa labas, so…”

LET THE LOVE BEGIN. Kasama si Abel sa cast ng GMA primetime series na Let the Love Begin si Abel, at madalas daw niyang kaesksena sina Ruru Madrid at Ai-Ai delas Alas.

Kumusta katrabaho si Ruru?

Ayon kay Abel, “Walang pressure… okay po.

“And yung momentum, tuluy-tuloy, walang dull moments, walang hintayan na parang may dead air.”

Halos sabay silang pumasok sa showbiz, pero hindi raw naiinggit si Abel kay Ruru na nagbibida na sa shows ng GMA.

Sabi niya, “Well, for Ruru, masaya po ako para sa kanya kasi nakikita ko naman na talagang mahusay siyang umarte.

"As in wala po akong masasabi dun and yun, proud ako sa kanya, iyon po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN