Mikoy Morales bothered by Willie Revillame's offer to Thea Tolentino: "Regardless of the intention... maaapektuhan pa rin ako."

He will not admit a formal relationship with Thea Tolentino, but Mikoy Morales is willing to settle with mutual understanding. “Ang cheap ng MU pero… oo ganun."


Wala pa mang direktang pag-amin sina Mikoy Morales at Thea Tolentino tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila, ngunit halata naman sa mga kilos nila na may namamagitan na sa kanila.

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikoy kung ano ang masasabi niya tungkol sa pangako ni Willie Revillame kay Thea, sa Wowowin, na siya ang magbibigay ng pang-downpayment sa kotse ng Kapuso young actress.

Tila naantig ang damdamin ng TV host nang nalaman nito na wala pang sariling sasakyan si Thea at sumasabay lamang sa service vehicle ng GMA kapag may taping.

Natatawang reaksiyon ni Mikoy, “Sabi ko na mapupunta tayo diyan, e!”

Nakausap ng PEP si Mikoy sa launch ng music video ng "Pwede Ba?", ang theme song ng GMA Koreanovela na Pinocchio, noong July 21.

Si Mikoy ang sumulat ng "Pwede Na" at inawit ng 3logy members na sina Jeric Gonzales, Jak Roberto, at Abel Estanislao.

Ano ang naramdaman ni Mikoy nang nalaman niya ang tungkol sa offer ni Willie kay Thea?

Sagot niya, “Nung unang nalaman ko yun, parang hindi ko alam kung paano ako magre-react kasi parang ang surreal.

“I mean, surreal, kasi ang laking pera, bibigyan siya.

“Pangalawa, si Willie Revillame ang nag-offer, and parang bihira yung ganun, or parang... sorry, iba yung ganun.”

Na-offend ba si Mikoy?

“Hindi. Ako, personally, hindi.”

Nagselos ba siya?

“Nagselos? Hindi rin, lalong hindi.

“Kaya surreal kasi naging concern ko kung paano niya [Thea] iha-handle.

“I mean, kung paano niya haharapin yung ganung issue.

“Kasi nasa pasimula pa lang siya ng career niya, so parang ano ang magiging epekto nito sa career niya?

“Ano ang magiging epekto nito sa kanya as a person, sa family niya.

“So, mas naging concerned ako na parang how will her parents take it. Mas naisip ko yung ganun.”

Hindi raw alam ni Mikoy kung naibigay na ni Willie kay Thea ang pang-downpayment sa kotse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ikinukuwento ni Thea sa kanya?

“We just don’t talk about it,” sabi ng actor-musician.


BOTHERED. May feeling ba si Mikoy na nasagasaan siya sa isyung ito?

Tugon niya, “A, hindi naman. Hindi naman kasi parang, ‘Bakit? Bakit ako…’”

Hindi ba, siya ang boyfriend ni Thea?

“Hindi!” at tumawa si Mikoy.

Bakit hindi pa sila umaamin ni Thea na may relasyon nga sila?

“Walang dapat aminin. Walang label,” diin niya.

So, ano ang relasyon nila ni Thea? Mayroon slang mutual understanding?

“Ang cheap ng MU pero… oo, ganun."

Siya ang lalaking pinakamalapit kay Thea ngayon?

“Sa ngayon, nangingibabaw yung best friends, na mag-best friends kami.”

So, hindi siya nasagasaan?

“Hindi po, e, may certain feeling na bothered, siyempre kasi hindi araw-araw nangyayari sa iyo yung ganung situation.

"And regardless of the intention or nung pinanggalingan nung issue, maaapektuhan pa rin ako.

“Kasi malapit sa akin si Thea.

"So, parang in a way, ang laking salubong nun.

“Parang ang laki ng nakasalubong mo, I mean ang laki ng humarap sa iyo bigla!

“Na out of the blue, biglang ‘Wow!’ Nakaka-overwhelm…”


IMAGE. Hindi ba hiningi ni Thea ang opinyon niya kung tatanggapin nito ang alok ni Willie o hindi?

Sabi ni Mikoy, “Napag-usapan din namin, na-voice out ko naman yung opinion ko.

“Nung una, ang sabi ko sa kanya, depende sa kung ano’ng palalabasin nila.

“Kasi, for me, honestly, I think it’s ano, e, it’s… not awkward, pero ang importante pa rin yung image mo.

“So, kung may PR stint man silang ginagawa or may plan man sila for publicity, either for Thea or for the show or whatever…

“Or talagang gusto siyang bigyan ni Willie…

"Basta kung anuman ang gagawin mo, wala kang masasagasaang tao.

“‘Tsaka yung image mo, na mag-remain ka na as is, or if ever man, mas ikaganda ng image mo yung mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon lang talaga ang kinatakutan ko nun, e, baka may masagasaan siyang tao.

“Baka may madamay na hindi dapat madamay, ‘tsaka 'yang mga ganyang isyu, ang daling ma-misinterpret.

“It’s a yes or no question, kung tinanggap ba o hindi.

“‘Tapos pag umoo siya, ang dami ng sasabihin. Pag humindi siya, ang dami pa rin naming sasabihin.

“Either way, may mangyayari sa iyo, just make sure you’re wise enough to consult with your family.

"And do it wholeheartedly, kung anuman yung gagawin mo.”


THEA’S CHOICE. Sa tingin ba niya ay pinag-isipan nang mabuti ni Thea kung anumang naging desisyon nito?

"Oo. Alam kong pinag-isipan niya nang maigi yun…

“Hindi ko pa alam kasi kung nakuha niya or something, pero alam ko meron na silang desisyon.

“And I don’t have the right to tell you guys what her decision is, hindi dapat sa akin manggaling.”

Halimbawa kay Mikoy hihingi ng desisyon si Thea, ano ang sasabihin niya: tanggapin o hindi?

“Ayoko ng ganung pressure kasi career niya yun, e, kung sa akin nangyari, or as a best friend... ano ba?

“Ako mismo, kung para sa kanya rin lang naman, I mean, ang hirap nun!

“Kasi kung iisipin ko yung image niya or yung career niya, iba yung magiging sagot ko.

“Kung iniisip ko rin naman yung para sa akin, iba rin ang magiging sagot ko.

“Ang daming basehan, e, kaya buti na nga lang hindi sa akin nangyari yun!” at tumawa si Mikoy.

“Pero… hindi ko siya masasagot. Hindi ko alam.”


WHAT IF. Kung babaligtarin, halimbawang may isang babae na mas matanda kay Mikoy na mag-o-offer sa kanya ng pang-downpayment ng kotse, tatanggapin ba niya?

Tugon niya, “Siyempre, personally, I would consult first with my parents.

“Kasi gusto ko munang malaman kung bakit niya gagawin yun, yung intention sa akin yung importante, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pangalawa, kailangan rin malaman ng network kasi produkto nila ako, e, and kasama yun sa trabaho ko, alagaan yung image ko.

“So, kapag napagtahi-tahi yung mga yun, then we’ll act on it.

“Para sa akin lang kasi, dapat pinag-iisipan yung mga ganyang bagay.

“Okay lang na maging impulsive, okay lang na i-express mo yung nararamdaman mo.

“Pero may times na talagang dapat mo munang pag-isipan talaga nang maigi bago mo gawan ng paraan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN