Angeline Quinto not ready to commit to a relationship with Erik Santos: “Ayoko pa po.”

Inamin ni Angeline Quinto na selosa talaga siya lalo na pagdating sa napapabalitang close sa puso nito ngayong si Erik Santos. Pero hindi pa raw siya handang i-level up ang kanilang relasyon.


Exclusively dating!

Ito pa rin daw ang status nina Angeline Quinto at Erik Santos ngayon.

Pero hindi naman daw promo ang pag-uugnay sa kanila dahil sa nalalapit nilang concert sa Smart-Araneta Coliseum sa August 15.

Yung pagiging selosa ni Angeline kay Erik ay ganun pa rin ba o nabawasan na?

Tugon ng 25-year-old singer-actress, “Hindi siguro mawala sa akin yun, e, kasi kahit kanino naman, ganun ako.

"Siguro mas lalo lang siguro kay Erik."

Nagselos ba siya nang dumalo si Erik sa birthday party ng ex-girlfriend nitong si Rufa Mae Quinto?

Nakangiting sagot ni Angeline, “A, dun sa kaapelyido ko? Hindi naman po.

"Kasi pinag-uusapan naman namin lahat yun, e.

"So, kapag may mga maliliit na bagay na hindi kami nagkakaintindihan ni Erik, gusto namin na naaayos agad yun.

“Kaya siguro ganun kami ka-close niyan, e, kasi ultimo mga personal na bagay sa buhay namin, alam namin."

Bakit hanggang ngayon ay wala pa silang commitment sa isa’t isa?

“Ayoko pa po,” maiksi at diretsong sagot ng Kapamilya singer.

Dahil wala silang commitment, handa ba siyang maugnay si Erik sa ibang babae?

Ayon kay Angeline, “Lagi ko naman po sinasabi sa kanya yun na, ang akin lang, alam ko lang, kasi ganun din siya sa akin.

“Kung sakaling may... halimbawang… tinanong niya sa akin kung may nag-invite ba sa akin na ibang guy, sinasabi ko naman na wala.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro media si Angeline sa launching ntio bilang bagong endorser ng Platinum Karaoke, noong July 21, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Kasama ring inilunsad ni Angeline bilang endorser ang close friend niyang si Vice Ganda.

REUNION WITH CO-STAR POWER CONTESTANTS. Masaya ring ibinalita ni Angeline na nagkaroon sila ng reunion ng mga dating kasamahan niya sa Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar, ang singing contest ng ABS-CBN na kanyang napagwagian noong 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagluto at ipinaghanda raw niya ang mga ito sa kanyang bahay.

Kuwento ng ASAP20 mainstay, “Ako mismo ang nagluto ng mga food.

"Yung iba nag-take out ng mga pagkain, happy na sila sa ganun.

“Yung iba kasi nakakatuwa, yung iba pa kasi galing pa ng Cebu, galing ng Davao.

"Siningil nila ako nung mga utang ko dati pa sa Star Power!

“Ako po yung nagkaroon ng utang sa kanila para pamasahe ko noon, pero hindi naman nila kinuha.

“Okay na daw na nakapunta sila sa bahay namin. Natuwa naman sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN