OMB Chairman Ronnie Ricketts pleads not guilty on graft case

Not guilty ang inihaing plea ni Optical Media Board Chairman Ronnie Ricketts sa Fourth Division ng Sandiganbayan kung saan binasahan siya ng sakdal kaninang umaga, July 23. Suportado naman nina Father Robert Reyes at Rez Cortez si Ronnie, at sinamahan pa nga nila ito sa kanyang arraignment.


Naghain ng not guilty plea sa Sandiganbayan Fourth Division si Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts kaninang umaga, July 23.

Ito ay kaugnay ng inihaing graft case ng Office of the Ombudsman na may kinalaman sa diumano'y anomalyang kinasangkutan ni Ronnie noong May 27, 2010, kung saan nagsagawa ang OMB operatives, kasama si Ricketts, ng raid sa Quiapo, Manila, partikular na sa Sky High Marketing Corporation, kung saan nakumpiska nila ang 127 boxes at dakawang sako ng pirated DVDs at VCDs.

Dinala ng mga taga-OMB ang mga nakumpiskang DVDs at VCDs sa kanilang opisina, ngunit kinagabihan ay inilabas din ang mga ito.

Nakitaan ng Sandiganbayan na may sapat na ebidensiya laban kay Ronnie at sa apat pang tauhan nito, kaya umakyat ang graft case nila sa korte.

Kasabay ni Ronnie na naghain ng not guilty plea sina Enforcement and Inspection Division (EID) head Manuel Mangubat, EID investigation agent Joseph Arnaldo, at EID computer operator Glenn Perez.

Ang isa pang akusado na si OMB executive director Cyrus Paul Valenzuela ay nakatakda namang basahan ng sakdal sa August 13.

Ayon sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, pagkatapos ng arraignment, umalis kaagad sa korte si Ronnie at hindi nagpaunlak ng anumang panayam sa media.

Samantala, dumalo sa arraignment ang matalik na kaibigan ni Ronnie na si Father Robert Reyes.

Kumpiyansa naman daw ang pari na mapapawalang-sala si Ronnie sa kasong kinakaharap nito.

Aniya, "Si Ronnie ay idolo hindi lang bilang action star kundi pati sa kanyang integridad.

"Merong may interes sa posisyon, mayroong may sama ng loob sa kanya.

"Punung-puno ng intriga ang bansa natin lalo na kapag ikaw ay public servant."

Kasama ring dumalo sa arraignment ang kaibigang aktor ni Ronnie na si Rez Cortez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN