Julian Trono prefers Julie Anne San Jose's previous physique

Julian Trono to Julie Anne San Jose: "Japs, sorry ha, mas prefer ko yung before kasi, ewan ko, for me, yung concept nila ng sexy, parang ibang level na."


Natawa si Julian Trono sa balitang nagli-link sa kanila ni Julie Anne San Jose, na gumaganap na kapatid niya sa upcoming GMA afternoon series na Buena Familia.

“Wala po yun, matagal na po yun!”

Walang nanunumbalik na feelings ngayong palagi silang magkasama?

“Wala naman po, sobrang good friends kami ni Julie.”

Nanligaw ba siya dati kay Julie Anne?

“Parang nagkaroon lang ng isyu noong nasa Party Pilipinas kami,” sabi niya.

Itinatanggi niyang nanligaw siya rito?

“Wala po akong sinasabi!” natawang sagot niya.

Dagdag ni Julian, “Sobrang close friends kami…”

Sobrang close friends na hindi na umabot sa panliligaw?

“Hindi na siguro po!” tawa na naman niya.

CONCEPT OF SEXY. Kapansin-pansin naman ngayon ang sobrang pagpayat ni Julie Anne.

Kaya tinanong namin si Julian kung para sa kanya ay mas attractive ang pagiging slim ni Julie Anne ngayon o mas gusto niya yung dati?

Sagot niya, “Ewan ko... kung mababasa naman niya ‘to, Japs [Julie Anne], sorry ha, mas prefer ko yung before.

"Kasi, ewan ko, for me, yung concept nila ng sexy, parang ibang level na.

“Ako kasi, yung sexy, walang mataba, walang ganun sa akin.

"So, kung yung body figure ang pag-uusapan, kahit ano actually.

"Pero kung may choice lang, mas gusto ko yung before."

Hindi ba niya sinasabi yun nang personal kay Julie Anne?

Saad ni Julian, “Palagi kong sinasabi yun sa kanya.

"Pinapakain ko siya palagi, 'Kumain ka, ganyan-ganyan.' Kumakain naman siya.

"Sabay-sabay kaming kumain at makikita mong sobrang lakas niyang kumain.

"Pero wala, e, payat lang talaga."

COURTSHIP. Hindi naman agad nakasagot nang tanungin ng PEP kung may nililigawan ba siya ngayon.

"Actually, meron, meron...” nakangiti niyang sabi.

Showbiz o non-showbiz?

“Hindi ko masabi, e. Basta nandun siya na in the middle na artist na non-showbiz.

"Actually, hindi naman po ligaw.

"Kumbaga, kung label, darating din kami dun, pero ayoko pa pong madaliin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN