Gab Valenciano cited in Beyonce’s nomination for Best Choreography at MTV VMAs 2015

Gab Valenciano is thankful that Beyonce’s music video, “7/11”, earned five nominations at the 2015 MTV Video Music Awards, including Best Choreography, in which Gab has a participation. (In this photo: Gab and his signature post, which Beyonce copied in her music video.)


Ikinatuwa ni Gab Valenciano ang pagkaka-nominate ng music video ni Beyonce para sa kantang “7/11” sa MTV Video Music Awards (VMAs), na nakatakdang ganapin sa August 30.

Nominado ang music video ng “7/11” para sa kategoryang Best Choreography, kung saan kasama ni Gab sina Beyonce at Chris Grant.

Read: Taylor Swift and Kendrick Lamar lead MTV VMAs nominations

Nitong Martes, July 21, nag-tweet si Gab para ipahayag ang kanyang katuwaan para sa nominasyon ng music video ni Beyonce.

5 nominations, including Best Choreography. Wow. God is good. @Beyonce @MTV #VMA http://t.co/tYGyMFGhIn

— Gabriel Valenciano (@gabvalenciano) July 21, 2015

Bukod kay Beyonce, narito pa ang iba pang nominado sa Best Choreography:

OK Go – “I Won’t Let You Down” (OK Go, air:man and Mori Harano)

Chet Faker – “Gold” (Ryan Heffington)

Ed Sheeran – “Don’t” (Nappy Tabs)

Flying Lotus ft. Kendrick Lamar – “Never Catch Me” (Keone and Mari Madrid)

Napansin sa international scene ang husay ni Gab sa pagsasayaw mula nang mag-upload siya ng kanyang “Super Selfie” dance moves noong 2013.

Ito rin ang naging inspirasyon ng “7/11” music video ni Beyonce na mapapansin sa dance moves sa video.

Nominado rin ang “7/11” para sa Video of the Year, Best Female Video, Best Pop Video, at Best Editing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN