Manny Pangilinan still undecided on his presidential bet in 2016

Manny V. Pangilinan on making a decision who to support in 2016: “Mahirap, e, kasi they’re all our friends... I guess, at the end, it’s still the will of the people. We just have to live with that.”


Ayaw pang magbitaw ng anumang pahayag ang business tycoon na si Manny V. Pangilinan kaugnay sa kung sinong kandidato at personalidad ang susuportahan niya sa darating na halalan sa 2016, lalo na sa posisyon ng Pangulo ng bansa.

Bilang businessman at chairman ng malalaking mga kumpanya tulad ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT), Smart, at TV5, malaki ang impluwensiya at suportang maibibigay ni MVP (palayaw niya) sa isang kandidato.

Ayon kay MVP, marami pa naman ang hindi nagbibigay ng kumpirmasyon tungkol sa kanilang pagtakbo sa eleksyon.

“Well, we just have to wait and see.

“I don’t know what the final roster is… who’s gonna be, you know, how it’s gonna work out.

“So, we just have to wait, I guess.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News si MVP sa grand launch ng PLDT Home and Smart’s Entertainment Everywhere featuring Fox International Channels, na ginanap kagabi, Hulyo 22, sa Green Sun Hotel, sa Makati City.

Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng Entertainment Everywhere featuring iFlix noong Hunyo 24, kung saan naging special guest pa nila ang Glee star na si Heather Morris, natutuwa si MVP sa bagong partnership ng PLDT Home at Smart sa Fox.

Dumalo rin sa naturang event ang iba pang executives ng PLDT at Smart kabilang na sina Ariel Fermin, Atty. Ray Espinosa, at Gary Dujali. Nakiisa rin sa pagtitipon ang Fox International Channels Executive Vice President for Content and Communication – Asia Pacific and Middle East na si Joon Lee.

POSSIBLE CANDIDATES. Bagamat si Vice President Jejomar Binay pa lang ang lantarang nagpahayag na tatakbong Pangulo sa 2016, maraming personalidad na ang pumupuwesto sa iba’t ibang presidential candidates survey.

Kabilang na riyan sina Senator Grace Poe, Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natanong nga si MVP kung ano ang masasabi niya sa mga naturang personalidad.

Grace Poe – “A very gracious lady and an intelligent one. I like her.”

Mar Roxas – “We’re way back friends. He’s intelligent, as well, and a good public servant.”

Jejomar Binay – “Decisive, good experience in good governance, I mean in governing. I think he’s got good connection with the masa. Easy to get along with.”

Rodrigo Duterte – “Now, I think about each of them, the least person I know is Mayor Duterte. Although when I’ve been to Davao we would have coffee and I also like him. He’s a competent administrator.”

Sino naman kaya sa mga ito ang makakakuha ng blessing niya?

“Which one would I bless?” sabay natawa si MVP.

“I’m not the one to [bless]. I think it’s the President [Noynoy Aquino], whose blessing is important.”

Pero sino kaya ang posibleng suportahan niya at least on a personal level?

“Mahirap, e, kasi they’re all our friends.”

Naniniwala naman si MVP na ang desisyon pa rin ng pamimili ng susunod na Pangulo ay nasa boto pa rin ng sambayanang Pilipino.

“I guess, at the end, it’s still the will of the people. We just have to live with that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN