Enzo Pineda denies taking nude selfies: "Hindi ko gawain yung mga ganun."

Enzo Pineda: "Being sexy doesn’t mean that you have to strip. And, of course, sometimes clothing yourself can also be sexier kasi there’s more mystery."


Hot topic pa rin ngayon ang photo and video scandal diumano ng ilang male stars, pero wala pa namang umaamin o nagpapatunay sa mga ito.

Kaugnay nito ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) ang Kapuso hunk na si Enzo Pineda kung hindi ba siya nangangambang masangkot sa mga ganitong klaseng eskandalo.

Lalo na't marami ang nakakapansing madalas ang pagpu-post niya sa Instagram ng magandang pangangatawan niya.

Saad ng 24-year-old actor, “No, no! Actually, hindi ko gawain yung mga ganun.

“Pero para sa akin, ang dami na kasing mga artista na nadale sa ganyan, both local and international.

“So, I guess, keep it to yourself na lang kung may mga ganung klase kang bagay na ginagawa.

“And para for your own sake and for your privacy also bilang tao, di ba?

“Hindi ba tayo lahat nadala sa mga nangyari, na mga naging pagkakamali ng ibang artists kung nakikita natin, local and abroad? Ang dami, e.

“And it doesn’t have to be na, kailangan mahuli ka pa or makitaan ka pa, malabas o kumalat pa yung mga photos na ganyan bago ka pa matuto, so…

Dagdag pa ng StarStruck alumnus, “Well, for everybody, it serves as a lesson, na not just that, but for everything...

"Na yung mga things that are done privately or whatever you do, keep it to yourself na lang.

“Even with anything; relationship or whatever, di ba?”

So, hindi kaya ni Enzo ang ginawa ni Justin Bieber na may butt selfie?

Sagot ng My Mother's Secret actor, “Well, I wouldn’t think so.

"Parang hindi, baka hindi.

“Okay na ako sa mga shots na naka-trunks, hanggang dun muna.

“I think, you know, being sexy doesn’t mean that you have to strip.

"And, of course, sometimes clothing yourself can also be sexier kasi there’s more mystery."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN