Paulo Avelino denies rumored romance with Bea Alonzo

Inamin ni Paulo Avelino na lumabas sila kamakailan ni Bea Alonzo, pero kasama raw ang iba pa nilang mga kaibigan. Gayunpaman, itinanggi ng aktor ang mga usap-usapang nagkakamabutihan na sila.


Itinanggi ni Paulo Avelino ang usap-usapang nagkakamabutihan na raw sila ngayon ni Bea Alonzo.

Matatandaang nagkatrabaho sina Paulo at Bea sa ABS-CBN primetime teleserye na Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong 2014.

Sa press conference para sa nalalapit na pagwawakas ng kinabibilangan niya ngayong drama series, ang Bridges of Love, ngayong Huwebes, July 23, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound, Quezon City, sinagot ni Paulo ang balita tungkol sa kanila ni Bea.

Tinanong ang aktor kung may ginagawa ba silang proyekto ni Bea kung kaya’t lumutang ang diumano’y pagkakamabutihan nila.

Lalo na't inamin kamakailan ng aktres na nagkaroon ng problema sa relasyon nila ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo. Pero sinisikap daw nilang ayusin ito.

Read: Bea Alonzo and Zanjoe Marudo spotted getting cozy in London despite recent relationship problem

Sagot niya, “Wala naman po.

“Nagkataon lang na parang nakita [kami] sa labas… may mga kasama. Kumain lang.”

Dugtong pa ng aktor, minsan lang kung magyaya si Bea na lumabas.

“Si Bea kasi, sobrang bihirang lumabas.

"So, pag lumabas siya, parang kailangan mo ring lumabas.

"Kasi parang mabibilang mo lang sa daliri kung ilang beses siya lalabas sa isang taon. Bihirang magyaya,” paliwanag ng Kapamilya actor.

Pero iginiit ni Paulo na grupo silang lumalabas, at kasama maging ang aktres na si Shaina Magdayao.

Nanliligaw ba siya sa aktres?

"Hindi, hindi. Wala," mariing tanggi ni Paulo.

WORK IS PRIORITY. Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng Bridges of Love, sinabi ni Paulo na magpu-focus muna siya sa paggawa ng pelikula.

Sa katunayan, nakatakda siyang gumawa ng dalawang pelikula.

“Siguro hanggang dulo po ng taon, puro pelikula.”

Sa tanong naman kung may bago siyang pinopormahan, sagot ni Paulo, “Gusto ko munang mag-concentrate dito sa [trabaho]…

"Medyo marami rin akong gustong gawin para sa sarili ko this year. Sana magawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN