Maja Salvador on breakup with Gerald Anderson: “Nadurog naman kasi ako dun.”

Maja Salvador is focusing on work. “Kailangan kong bumawi sa sarili ko. Ang dami ko pang gustong gawin din at parang wala akong time for love.”


Wala muna raw time for love ngayon si Maja Salvador.

Ito ang deklarasyon ng Kapamilya actress sa ginanap na press conference para sa nalalapit na pagwawakas ng pinagbibidahan niyang teleserye, kasama sina Paulo Avelino at Jericho Rosales, ang Bridges of Love.

Ginanap ang press conference sa 9501 restaurant sa ELJCC Building sa ABS-CBN compound, Quezon City, nitong Huwebes, July 23.

Sabi pa ni Maja, “Kailangan kong bumawi sa sarili ko.

"Ang dami ko pang gustong gawin din at parang wala akong time for love.

“Parang ngayong taon na ‘to, ang dami kong gustong gawin pa, para sa akin, sa sarili ko.”

Si Gerald Anderson ang huling naging boyfriend ni Maja.

Inamin nila ang kanilang paghihiwalay, pagkatapos ng dalawang taong relasyon, noong April.

Sa presscon kanina, inamin ni Maja na napagod siya sa huli niyang relasyon.

Dugtong pa ng aktres, “Siyempre, alam niyo naman ang huli kong relasyon, hindi naman siya ganun kadali.

“Nadurog naman kasi ako dun.

“Pero okay ako ngayon.”

Nang matanong siya kung may bumubuo ba sa kanya ngayon, sagot ni Maja, “Ako po mismo. Kailangan sarili mo ang magbuo sa 'yo.”

Samantala, isang pelikula ang nakatakdang gawin ni Maja pagkatapos ng Bridges of Love.

May offer din daw na teleserye sa kanya, pero pag-uusapan pa raw ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN