Nicco Manalo says all is well now between him and dad Jose Manalo: "Nakapag-usap na kami, nakapagkita na kami."

Nicco Manalo and his estranged father are now talking, PEP then asked, "Is everything back to normal"He said, "Mahirap yung back to normal, dahil kasama ko siya sa bahay dati, e."


Isa nang movie/TV star si Nicco Manalo.

Bukod sa may bago siyang indie film, nakatakda rin itong sumabak sa isang mainstream film at maging bahagi ng bagong show sa ABS-CBN na pagbibidahan ni John Estrada.

Gagawa raw sila ng isang indie para sa Cinema One na ang direktor ay si Joel Ferrer, at makakasama niya sina Alex Medina at Jerald Napoles. Ang title nito ay Baka Siguro Yata at magsu-shoot na raw sila sa August.

“Basically, kailangan niya ng barkada na sobrang tight.

“It’s a comedy na parang wala pa akong napapanood na ganoong klase.

“Na iyong humor niya, medyo naka-mix, like American type na humor na may halo ring Filipino, very smart writing.

“Para siyang Judd Apatow na comedy, nandoon sa lines yung humor, may sarcastic, unapologetic.

“Non-slapstick siya, very smart humor, ayon,” mahabang saad ni Nicco nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

GOING MAINSTREAM. Ano ang mayroon sa indie at hindi niya ito maiwan?

“Kasi kung titignan ko, sa indie ka mas nakaka-explore ng mas malalim na themes, na puwedeng restricted sa television.

“Hindi naman lahat puwede mong i-present sa TV.

“Being an actor naman, yung pag-create ng characters na sobrang juicy yung role, na sobrang mai-immerse mo talaga ang sarili mo.

“So from theater, iyon ang ibinibigay talaga sa akin ng indie—roles you can really sink your teeth into.

“Yung themes na minsan ay taboo, minsan ay sensitive, siguro, doon pumapasok iyong iba-ibang gusto ko.

“Gusto ko kasi, iba-iba ang ginagawa ko every time, e.”

Nabanggit din niya ang pagsabak sa mainstream movie.

“...with Star Cinema, I think kukunin ako ni Direk Joyce [Bernal], may cameo role ako roon,” matipid na wika niya.

Hindi kaya mawili siya sa maintsream?

“Hindi ko po maitatanggi na may posibilidad siyang mangyari.

"Nandoon lang ako sa point na hinahayaan ko lang na magulat ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hinahayaan ko lang na mas matuto ako, kahit yung mainstream movies, I’m sure marami akong matututunan na ibang-iba.

"Like sa process pa lang, may iba-ibang systems sa independent filmmaking.

“Okay lang po siguro, basta babalik pa rin ako sa…makukuha ko pa rin ang gusto ko bilang aktor.

“Medyo nandoon ako sa point na, ‘Sige, subukan natin.’ So, okay lang.”

KAPAMILYA. Makakasama rin daw si Nikko sa isang Kapamilya soap, ang Walang Iwanan na si John Estrada ang bida kasama sina Roxanne Guinoo, Jhong Hilario, and “a lot of kids.”

“Doon po, comedic ang role ko, sidekick ako ni Kuya John, ‘tapos ay yaya ako ng mga bata.

“So medyo mas comic iyon, medyo iba yun sa mga nakita nila lately na ginawa ko,” nakangiting saad niya.

Palagay ba niya ay may epekto sa success na tinatamasa niya ngayon ang pagiging anak ni Jose Manalo?

“Definitely, I mean, noong nag-start pa lang ako, alam na ng daddy ko na ayaw ko talagang nagpapatulong sa kanya.

“Although siyempre bilang ama, hindi niya maiiwasang gawin iyon.

“Pero gustong-gusto niya rin yun, na I want to make it on my own.

“Yung dugo niya nasa akin, sure ball ako roon, kasi iyong sa dad side ko po, performers silang lahat.

“So hindi sila nagulat nang nakita nilang uma-acting ako.

"Iyong iba, lalong nai-steer yung curiosity nila kapag nalalaman nilang may anak pala si Jose na umaarte.

“So, I’m sure, nakaapekto iyon.”

May ibang nagsasabi na mas magaling siya sa dad niya, ano ang comment niya dun?

Tumawa muna siya bago sumagot, “Well, in a way, I mean, masarap iyong feeling na masabihan ka na better.

“Although hindi iyon ang kumbaga mas tumatatak sa akin, it's me having my own path.

“Talagang ito yun, kaya ako nakarating dito kasi ganito ang gusto kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Eto ang natutunan ko, more than, ‘Oy, mas magaling ka sa daddy mo!’

“Iyong ginagawa niya, taas kamay rin ako roon, hindi ko alam kung saan niya hinuhugot yun.

“Kumbaga, that's him as a person, he's very natural. Sabi nga ng mga tao, parang hindi siya umaarte.

“In my case naman, mas gusto kong nagpo-portray ng characters. Iyon siguro ang pagkakaiba namin.

“So mas masaya ako na sinasabi ng mga tao na, ‘Uy, nakagawa ka ng sarili mong path, ng sarili mong tatak.’”

May conscious effort ba siya para maiba sa father niya?

“Hindi po, wala po talagang conscious effort. Hindi ko naman sinabi na gusto ko lang ng serious roles.

“Kasi kapag sa theater, wala naman e palipat-lipat naman ako.

“Yun nga lang. when I started doing independent films, doon ako mas kinukuha sa mga ganoong roles.”

ALL’S WELL BETWEEN NICCO AND DAD JOSE MANALO. Kamusta na sila ng dad niya ngayon?

Matatandaang noong 2012 naghiwalay ang Eat Bulaga! host at ang asawa nitong si Anna Lyn dahil sa mga utang ng huli.

"Okay po, nakapag-usap na kami, nakapagkita na kami.

"Mas nakikita ko yung mommy ko, mga kapatid ko pero okay kami.

“Nagkakausap kami once in a while, ganoon,” saad niya.

Back to normal na ba sila ng dad niya ngayon?

“Mahirap yung back to normal, dahil kasama ko siya sa bahay dati, e,” nakatawang sagot niya.

“Pero noong minsan na nagkita kami, wala naman akong naramdaman na nagbago. Ganoon pa rin kaming mag-usap.

“Siguro one day mapag-uusapan namin about it or baka hindi na, pero hindi ko na siya naiisip. Okay kami noong nagkita kami.

“He said na proud siya sa akin. Nanood daw diya ng Janitor, umiyak daw siya kasi naaawa nga siya, kasi ginugulpi ako roon.”

Alam din daw ng dad niya ang kanyang Playlist show na gaganapin sa Polari Comedy Bar sa Tomas Morato, Quezon City sa July 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, nabanggit ko na sa kanya at tinanong niya kung ano raw ang gagawin ko.

"'Tapos sabi ko kakanta ako. Tinanong niya ako kung kailan.”

Pupunta ba siJose kaya nagtatanong?

“Puwede, siguro puwede. Baka dadaan siya,” wika niya.

Pero baka may show din si Jose sa gabing iyon, e, “Oo nga, baka may show rin siya sa Zirkoh, baka katapat ko siya.

“Puwede naman siyang lumagari, ‘di ba? Kanta muna siya sa show ko 'tapos punta na siya sa kabila,” nakangiting saad pa ni Nicco.

Gusto ba niyang makasama ang ama sa show o sa pelikula?

“Why not? Kung mayroon pong mag-offer na sa tingin nila ay bagay sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN