LJ Reyes on rumored romance with Paolo Contis: "Baka puwede nang magpadala!”

LJ Reyes recounts the successful showing of her movie Anino Sa Likod Ng Buwan (Shadow Behind The Moon) with Luis Alandy and Anthony Falcon at the 50th Karlovy Vary International Film Festival sa Czech Republic: "Nag-stay yung mga tao talaga, as in maraming nanood. They finished it. Tapos nung Q&A, ang dami nilang tanong na mapi-feel mo talaga na interested sila in the film."


Nali-link ngayon ang Kapuso actress na si LJ Reyes sa aktor na si Paolo Contis.

Naging close ang dalawa dahil sa pagsasama nila sa afternoon teleserye ng GMA Network na Yagit.

Marami ang nakakapansin na blooming ngayon si LJ, at nang tanungin siya tungkol kay Paolo ay panay ang ngiti nito at sinasabayan pa niya ng nakakakilig na halakhak.

“Ay, hindi ko alam!” bulalas ni LJ nang ma-interview siya para sa GMA news program na 24 Oras.

Dagdag niya, “Kilala ko naman si Pao ever since, e, tingnan natin.

"Abangan natin sa mga susunod na araw, buwan at taon. Tingnan natin ‘yan.”

Pero sa sagot na iyon ni LJ ay tila may unawaan na nga sila ni Paolo.

“We’ll see… Baka naman sabi ni Lord na, ‘O, okay, tapos ka na at nakapag-concentrate ka na sa Yagit. Baka puwede ka nang magpadala!’” tawa niya.

Huling na-link ang 27-year-old Kapuso actress sa Kapamilya actor na si JC de Vera. Pero biglang natigil ang pagde-date ng dalawa.

May anak si LJ sa aktor na si Paulo Avelino—ang five-year-old na si Ethan Akio.

INTERNATIONAL FILMFEST. Samantala, kakagaling lang ni LJ sa Czech Republic, kung saan dumalo siya sa 50th Karlovy Vary International Film Festival na ginanap noong July 3 hanggang July 11.

Naimbitahan sa Forum of Independents section ng festival ang kanyang ginawang indie film na Anino Sa Likod Ng Buwan (Shadow Behind The Moon), kunsaan co-stars niya sina Luis Alandy at Anthony Falcon. Idinirek ito ni Jun Lana.

Kuwento ni LJ, “Sobrang nakakatuwa kasi sabi nila, doon daw, yung mga nanonood ay pumupunta lang talaga sila sa filmfest to watch.

“Tapos mayroon silang ID at may limit pala 'yon. Per day, five films lang ang puwede mong panoorin.

“Pero kung kunwari um-exit ka within five minutes of a film, hindi counted as one 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, within five minutes, kapag hindi nila nagustuhan, lalabas talaga sila.”

Natuwa naman daw si LJ dahil karamihan ng mga nanood ng kanilang pelikula ay hindi umalis sa kinauupuan nila.

“Sobrang blessed na nag-stay yung mga tao talaga, as in maraming nanood. They finished it.

"Tapos nung Q&A, ang dami nilang tanong na mapi-feel mo talaga na interested sila in the film.

“Kapag sumasagot ka, nakatingin sila. Nakikinig sila talaga."

YAGIT. Nagpapasalamat naman si LJ na sa pagtatapos ng kanilang teleseryeng Yagit, naging maganda ang ratings nito sa loob ng isang taon.

Sobra raw niyang mami-miss ang mga bidang bata ng Yagit na sina Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie dela Cruz, at Jemwell Ventinilla.

“Mami-miss ko ang mga bata.

"Kasi, ‘di ba, kahit sa bahay kapag walang bata, hahanap-hanapin mo? Ganun din sa show namin.

“One year kaming nagkasama 'tapos magpapaalam na kami, naging malaking bahagi na ng buhay namin itong Yagit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN