Sandiganbayan orders arrest of Cedric Lee, former Mariveles mayor due to graft and malversation raps

An excerpt from Sandiganbayan Third Division's resolution in graft and malversation case against ex-Mayor Angel Moreno and Izumo Contractors Inc. chief and president Cedric Lee (in photo): "The accused's motion for judicial determination or probable cause was noted by the court. The court hereby found probable cause for the issuance of warrant of arrest."


Ngayong araw, July 24, pormal na nag-isyu ang Sandiganbayan Third Division ng warrant of arrest laban sa negosyanteng si Cedric Lee, na nahaharap sa kasong graft at malversation.

Ito ay sa kabila ng apela ni Cedric na walang sapat na basehan na siya ay makasuhan ng mga naturang kaso, lalo pa’t hindi pa raw siya nabibigyan ng pagkakataong maihayag ang kanyang panig sa anti-graft court.

Ayon sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, lumabas sa dalawang hiwalay na resolusyon ng Sandiganbayan na mayroong “probable cause” na magpapatunay na sangkot sina Cedric at former Mariveles Mayor Angel Peliglorio sa diumano’y pagkamal ng pondong mahigit P23 million para sa isang maanomalyang public market project.

Lumabas din sa imbestigasyon na tumanggap ang kumpanya ni Cedric, ang Izumo Contractors Inc., ng karagdagang bank loans proceeds mula sa munisipyo ng Mariveles, Bataan, na nagkakahalaga ng mahigit P14 million noong March 27, 2005.

June 22 nang isampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong graft at malversation laban kina Cedric at Peliglorio.

Bukod sa hindi dumaan sa tamang proseso ang pagkakapili sa kumpanya ni Cedric na mangasiwa sa proyekto, napag-alaman na ni hindi man lang naumpisahan ang pagtayo ng naturang palengke sa Mariveles sa kabila ng advanced payment na natanggap ng negosyante.

Nagkakahalaga ng P30,000 ang piyansa para sa kasong graft at P40,000 para sa malversation.

Sabi pa sa isang bahagi ng resolusyon: "There is no showing that the accused have posted their bail bonds.

“So, our servers are now on their way to the police stations to give the copies of the warrants of arrest.”

July 3 nang humarap si Cedric sa Sandiganbayan upang maghain ng “motion for judicial determination of probable cause/deference of issuance of arrest order.”

Dito ay inihayag ng legal counsel ni Cedric na si Atty. Jay Ricardo Moreno na ang tanging bayad na natanggap ng kanyang kliyente mula sa lokal na gobyerno ng Mariveles ay nagkakahalaga ng P16.540 million, gayong P24 million ang nakasaad sa kanilang memorandum of agreement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iginiit din ng abugado na nagampanan ng Izumo Contractors Inc. ang nilagdaang kasunduan sa pamamagitan ng pagbigay ng serbisyo tulad ng hydrological study, geological study, architectural design, detailed engineering design, soil sampling, topography profiling, and bankable comprehensive feasibility study.

Sabi pa ni Atty. Moreño: “It is worth stressing that all of the reports of the studies done were properly turned over to the concerned LGU and the bank by Izumo as this is a prerequisite for the bank to approve the LGU loan. This did not come free because of the cost of intellectual property rights.”

Ang unang nagsampa ng kasong graft at malversation laban kina Peliglorio at Cedric ay ang itinuturing na karibal ng una sa pulitika na si incumbent Mariveles Mayor Jesse Concepcion.

Samantala, nabanggit sa hiwalay na ulat ng GMA News Online noong July 3 na namataang sandaling nakipag-usap si Cedric kay Janet Lim-Napoles nang magkasabay sila sa pagharap sa Sandiganbayan noong araw na iyon.

Nagkataong naroon din si Janet, na nahaharap sa kasong plunder at itinuturong pork barrel scam mastermind, para sa pagdinig ng kanyang bail petition.

Sa parte ni Cedric, bukod sa kasong graft at malversation ay nahaharap din siya sa hiwalay na kasong serious illegal detention, na isinampa ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN