Paolo Valenciano proud of brother Gab’s nomination at MTV VMAs 2015

Proud si Paolo Valenciano sa latest achievement ng nakababata niyang kapatid na si Gab Valenciano. Nakatanggap kasi ng nominasyon si Gab, para sa choreography ng music video ni Beyonce na "7/11", sa MTV Video Music Awards 2015.


Ipinagmamalaki nang husto ni Paolo Valenciano ang nakuhang nominasyon ng nakababatang kapatid na si Gab Valenciano sa MTV Video Music Awards 2015.

Si Gab ang isa sa nag-choreograph ng music video ni Beyonce na “7/11” na nominado bilang Best Choreography.

Read: Taylor Swift and Kendrick Lamar lead MTV VMAs nominations

Sabi ni Paolo, “Of course, I’m really, really proud of him.

"But, before he left for the States, I already told… I have a feeling na he was gonna make a name for himself there.

“I didn’t expect it to be this big.

“I didn’t think he will be working with Beyonce and, you know, these people...

"So, you know, I really had that feeling."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Paolo sa presscon ng Next Attraction: The Repeat, kahapon, July 23, sa Jet 7 Bistro, Quezon City.

Gaganapin ang repeat ng concert nila nina Karylle, Isabella, at Robin Nievera sa August 14 and 15, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.


GAB IS FRUSTRATED. Ayon kay Paolo, dismayado si Gab noon sa itinatakbo ng karera nito sa Pilipinas.

“Right before he left, he’s very frustrated.

“Frustrated siya dito, e.

“Kasi feeling niya, nobody would take him seriously.

"He was just parang… he would dance on TV, parang extra lang siya.

"He felt na parang yung talent niya, hindi nagagamit.

"And before he left for the States, I really felt…

"I really told my dad [Gab Valenciano], my mom [Angeli Pangilinan], and my sister [Keana], and sabi ko, I have a feeling na siya yung magiging…

"Siya yung makaka-breakthrough dun sa States, more than dad."

Sinubukan din daw kasi ni Gary na ma-penetrate ang Amerika noon, pero hindi nito natumbasan ang naabot ngayon ni Gab.

“And I think he deserves it, he really deserves it,” papuri pa ni Paolo sa kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN