Singer Jimboy Salazar dies due to pneumonia

Dead on arrival na ang singer na si Jimboy Salazar nang isugod siya sa ospital sa San Miguel, Bulacan, ngayong araw, July 24, matapos itong dumanas ng hirap sa paghinga dahil sa sakit na pneumonia.


Pumanaw na ang singer na si Jimboy Salazar dahil sa sakit na pneumonia. Siya ay 42 years old.

Bandang alas-diyes ng umaga ngayong Biyernes, July 24, nang isugod si Jimboy sa isang ospital sa San Miguel, Bulacan, matapos siyang magkaramdam ng hirap sa paghinga.

Ngunit pagdating pa lang sa ospital ay pumanaw na raw si Jimboy.

Base ito sa panayam ni Gorgy Rula ng Startalk sa kaanak ni Jimboy na si Jilly ngayong araw.

Kahapon, July 23, nakapanayam pa ng Startalk si Jimboy.

Dito ay mariin niyang pinabulaanan ang espekulasyong mayroon siyang sakit na AIDS (acquired immunodeficiency syndrome).

Naibahagi pa raw ni Jimboy na umaasa siyang gagaling ang kanyang pneumonia sa kabila ng kakulangan ng pambili ng gamot.

Gayunman, tila nagpahiwatig na ng pamamaalam si Jimboy nang ihayag niya sa parehong panayam ang paghingi ng tawad mula sa kanyang mga pagkukulang at pati na rin sa kung sinumang nakasamaan niya ng loob.

Sa kasalukuyan, kabilang si Master Showman German Moreno sa nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya ni Jimboy.

Si Jimboy ay dating miyembro ng GMA youth-oriented variety show na That's Entertainment noong '90s. Naugnay rin siya kay Mahal.

Matatandaang noong 2014 ay umamin si Jimboy na nagkaroon siya ng relasyon sa kapwa-lalaki at binalak pa nilang magpakasal noon.

Ngunit nang maghiwalay sila ay inihayag ni Jimboy ang pagnanais na ituwid ang direksiyon ng kanyang buhay at magkaroon ng relasyon sa isang babaeng tanggap ang kanyang pagkatao.

Read: Jimboy Salazar denies he has AIDS; looking for a female companion after breakup with ex-boyfriend


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN