Maja Salvador opens up about her heartbreak six months after split with Gerald Anderson

Maja Salvador says her Bridges of Love leading men Paulo Avelino and Jericho Rosales have good shoulders to cry on. "Ang laki ng tulong nina Paulo at Echo. Parang silang dalawa ang nagpa-realize sa akin kung paano ko dapat i-value yung sarili ko or yung worth ko."


Inamin ni Maja Salvador na hindi naging madali ang resulta ng hiwalayan nila ni Gerald Anderson dahil "nadurog" siya noon.

Kaya ayaw muna raw niyang pagtuunan ng pansin ang magkaroon ng panibagong lovelife.

Read: Maja Salvador on breakup with Gerald Anderson: “Nadurog naman kasi ako dun.”

Pero nang tanungin kung ano ang ibig niyang sabihin sa salitang “nadurog” ay tila umatras si Maja.

“Hindi, wala... ano lang yun.”

Pero paanong nadurog?

“Wala, wala akong maisip na word, huwag kayong masyadong... talaga yun ang tumatak?” medyo natawang sabi niya.

Dahil nag-o-open up na si Maja sa breakup nila ni Gerald, ibig bang sabihin nito ay naka-move on na siya?

Tugon ng 26-year-old Kapamilya actress, “Oo naman, it’s been almost six months.

"Kung naghiliom na ang lahat, mas naging open ka na at masasabi mong… ‘di ba?”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja sa presscon para sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang pinagbibidahang primetime series sa ABS-CBN, ang Bridges of Love, kagabi, July 23.

PAULO AND JERICHO. Ayon kay Maja, nakatulong ang Bridges of Love para maka-recover siya, partikular na ang mga leading men niya ritong sina Paulo Avelino at Jericho Rosales.

“Yes, aaminin ko, ang laki ng tulong nina Paulo at Echo.

“Kasi, while I’m doing Bridges of Love, every day sila ang kasama ko and nakakausap ko silang dalawa.

“Parang silang dalawa ang nagpa-realize sa akin kung paano ko dapat i-value yung sarili ko or yung worth ko.

“May mga share sila na mga experiences nila about love.

“Since sila yung nakakasama ko every day, at kaibigan ko naman sila, nakakapag-open up ako.

“Ayoko naman sabihin yung mga nai-share nila sa akin, pero ang maganda, malaki yung naitulong nila sa akin.”


SINGLE. Na-link noon sina Maja at Paulo kaya inusisa namin kung muntik na ba silang nagkaroon ng relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga sitsit kasing naging malapit sila sa isa’t isa noong panahong sariwa pa ang sugat sa puso ni Maja.

May mga post din ang aktres sa Instagram na parang tumutukoy sa isang taong tumutulong sa kanya para magmahal uli.

Natawang saglit si Maja at saka sinabing, “Kakaloka! Hindi!”

Saad pa niya, “Dati, parang nakakatsikahan, nakakakuwentuhan ko lang si Paulo sa set.

"Masaya ako na may nabuong friendship.

“At yung friendship na yun ang lumawak, kasi yung mga kaibigan... kaibigan ko, kaibigan din pala nung mga kaibigan niya.

“Kaya mas lumalalim yung pagsasama, pero hanggang doon lang muna.

“Katulad nga ng sinasabi ko, kailangan kong bumawi sa sarili ko.

“Pero talagang talagang sobrang nag-e-enjoy ako na maging single ngayon, sobrang okey na.

“Yung mga gusto kong gawin para sa sarili ko, nagagawa ko na.

"Pag single ka, lahat puwede mong gawin.

“Parang ikaw mismo, kung ano yung desisyon mo, ikaw mismo ang magdedesisyon nun.

“Dati kasi, kapag may karelasyon ka, kailangan mong respetuhin or i-share or antayin yung mga ano… 'di ba?”


NO REGRET. Ano ang na-realize niya pagkatapos ng lahat ng nangyari at sa takbo ng career niya ngayon?

Saad ni Maja, “Puwede mong balansehin yun.

"Hindi porke’t nabigo ka sa pag-ibig, hindi mo na kayang balansehin lahat, hindi.

“Talagang may mga sitwasyon na ganun at ganun, na kailangan mo lang tanggapin.”

Wala siyang pinagsisisihan?

“Wala," mabilis niyang sagot.

"Sinabi ko naman 'yan simula umpisa, lumaban ka, matalo, manalo, ang importante, lumaban ka.

“Siyempre na-hurt din naman ako, masakit yung pinagdaanan ko.

"You just need to accept it... para maging okey ka."

Bakit parang napalawak na ng pang-unawa niya sa mga bagay-bagay?

“Siguro kasi napapaligiran ako ng mga taong mapagmahal talaga.

“And sa pamilya ko, hindi naman kulang yung pag-iintindi din nila sa akin, yung pagmamahal na ibinibigay nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung ano lang yung naibibigay ng pamilya ko sa akin, kung kaya ko yun ibigay sa iba, bakit hindi?”


IN LOVE WITH WORK. Hindi raw nagtatanim ng galit o sama ng loob si Maja sa mga taong nakasakit ng damdamin niya, kahit kaibigan.

“Never, parang pinakaano sa lahat ng gagawin mo, never kang mag-regret talaga.

“Never mong pagsisihan talaga na naging boyfriend mo ‘yan or naging kaibigan mo ‘yan or nagawa ko itong work na ito. Never.

“Kasi, simula’t simula, ginusto mo rin.

"At wala kang dapat i-regret or isisi, kasi choice mo rin yun."

Ibig sabihin, puwede na silang mag-usap uli ni Gerald o magkatrabaho uli?

“Huwag namang trabaho, parang awkward naman,” sabi niya.

Usap muna?

Paglilinaw ni Maja, “Nagha-hi po kami sa ASAP every time na nagkikita kami or kung saan kami magkita…

“In fairness, una niya akong nakikita, kaya siya ang unang bumabati.”

Walang awkward feeling kapag nagkikita o nagbabatian sila?

“Siyempre meron. Nag-hi, e, ayaw mo namang bastusin, ‘di ba?”

Ang ganda nga raw ng balik kay Maja ng mga pinagdaanan niya dahil okey siya ngayon bilang recording artist at performer.

Pinupuri rin ang husay ng pagganap niya sa Bridges of Love.

Pahayag pa ni Maja tungkol dito, “Siguro never n'yo naman pong napansin na pag may problema ako, damay yung trabaho ko.

“Hindi, as much as possible, hindi ko pinababayaan ang trabaho ko.

“Yung pagka-in love ko sa trabaho ko, never yung mawawala kahit anong problema ang dumating.

"Siguro ibinabalik lang sa akin kung ano yung pagmamahal na ibinibigay sa akin talaga.

“Kasi sobrang gusto ko ito, ini-enjoy ko yung trabaho ko.

"At siguro nakikita nila kaya, ayun, maraming nagtitiwala pa rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN