Jeric Gonzales on Protegé batchmate Ruru Madrid getting bigger projects: “Deserved naman...kasi napakasipag niya..."

Instead of being jealous, Jeric Gonzalez is happy for his friend Ruru Madrid, whose career has moved forward with meaty projects. “Deserved naman ni Ruru ang mga dumarating sa kanya kasi napakasipag niya at mahal na mahal niya ang pamilya niya,” Jeric says.


Hindi pa naman daw umaabot si Jeric Gonzales sa puntong magde-demand siya ng mas malalaking project sa kanyang home network, ang GMA.

Kapansin-pansin kasi na mas nabibigyan ng malalaking break si Ruru Madrid na runner-up lamang sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break, kung saan ang big winner ay si Jeric.

Saad ng Kapuso hunk nang makapanayam namin last July 21 sa GMA Network Center, wala pa raw siyang karapatan na mag-demand at satisfied naman siya sa mga proyektong binibigay sa kanya.

“Wala naman po akong reklamo. Thankful ako na may mga ginagawa ako.

“Malaki ang utang na loob ko sa GMA-7 na nabigyan ako ng chance na magkaroon ng showbiz career.

“Alam ko naman po na marami kaming kailangan na asikasuhin nila, pero hindi naman nila kami napapabayaan.

“Meron naman po akong Pari ‘Koy at ito nga, busy ako sa grupo naming 3logy with Jak Roberto and Abel Estanislao.

“May mga singing engagements kami at mga mall shows.

"Gusto ko rin na mag-concentrate sa singing dahil ito ang mas ginagawa ko kesa sa umarte,” ngiti pa niya.

Ni-launch ang music video ng 3logy titled "Puwede Ba?" na sinulat ni Mikoy Morales. Ito ang theme song ng GMA Koreanovela na Pinocchio.

Sa naturang music video ay nag-shirtless si Jeric.

Nahihiya pa nga raw siya noong i-shoot ang eksena, “Magkakaiba kasi ang concept namin nila Jak at Abel.

“Si Jak, mas nagpa-sexy siya sa music video kasi nagsu-swimming siya.

“Si Abel naman nagwu-workout. Ako, bagong gising 'tapos magsa-shower ako.

“Medyo nahiya ako kasi hindi ako masyadong nakakapag-workout na ulit, kaya medyo bumilog ulit ako.

“Kaya ang mga shots sa akin hanggang sa chest lang. May shot na nakahiga ako sa kama pero may kumot naman.

“Nakunan din ako na naka-underwear pero mabilis lang yung kuha.

“Kung ang katawan ko kasing-ganda ng katawan ni Jak, okey lang kahit makunan akong naka-boxer shorts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero okey na rin na may daya ang kuha sa akin. Dinaan ko na lang sa pangiti-ngiti at papungay ng mga mata!” sabay tawa pa ni Jeric.

FANTASY. Kung may fantasy na gustong matupad si Jeric, ito raw ay ang isang eksena sa pelikulang Fifty Shades of Gray.

“Fantasy lang naman, ‘di ba, yung ginawa sa Fifty Shades of Gray, yung tatalian mo ang partner mo.

“Wala lang, kasi parang nakakakaba pero nakakadagdag ng excitement, basta yun ‘yon!” natatawang saad pa ni Jeric.

Wala raw siyang girlfriend ngayon dahil hindi pa raw tama ang panahon para pumasok siya sa isang relasyon.

“Kapag mayaman na ako, doon na ako manliligaw!” tawa pa niya.

“Tina-timing-an lang natin. Though may mga crushes naman ako.

“Mahirap lang yung magkaroon ng commitment sa ngayon.

“Kaya trabaho lang tayo nang trabaho ngayon para makaipon.

“Kapag malaki na ang ipon ko at natupad ko na ang mga pangako ko sa family ko, doon na ako siguro puwedeng magkaroon ng girlfriend.

“Kaya sa ngayon, hanggang patingin-tingin lang tayo at magpantasya paminsan-minsan!” tawa pa niya ulit.

CAREER ENVY? Mas maraming trabahong nabibigay kay Ruru kumpara kay Jeric. At mas nauna pang nagbida sa isang teleserye si Ruru via Let The Love Begin, samantalang mga support roles lang ang binibigay kay Jeric.

Pero hindi raw ito iniinda ni Jeric dahil masaya siya sa mga nangyayari kay Ruru ngayon.

“Sa totoo lang po, masaya ako para sa kaibigan ko.

“Kami po ni Ruru, very close kami at tuwing nagkakaroon kami ng pagkakataon na magkita, lagi ko siyang kino-congratulate.

“Ang maganda naman kay Ruru, hindi umaakyat ang kasikatan sa ulo siya.

“Gano’n pa rin siya. Very humble. Napaka-down-to-earth ng taong ‘yan.

“Kaya kung anuman ang natatamo niyang success, ikinatutuwa ko iyon.

“Deserved naman ni Ruru ang mga dumarating sa kanya kasi napakasipag niya at mahal na mahal niya ang pamilya niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang ikinatutuwa ni Jeric ay ang malaking pagbabago ni Ruru pagdating sa kanyang career.

Noong nagkasama raw sila sa Protégé headquarters in 2012 ay hindi raw ito seryoso at sobrang kulit daw nito.

“Si Ruru kasi ang pinakabata sa amin nila Mikoy [Morales], kaya siya yung pinakamakulit at mahilig makipagbiruan.

“Para ngang hindi siya seryoso noon kasi batang-isip pa nga.

“Pero ang laki na ng pinagbago niya. Kapag nagkikita nga kami, mamang-mama na ang dating niya.

“Pero nandoon pa rin yung makulit na Ruru. Konti na lang kasi nagma-mature na nga siya.

“Proud ako sa batch namin kasi lahat naman kami may ginagawa. Lahat kami may maayos na trabaho,” diin pa ni Jeric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN