Willie Revillame’s Wowowin to go off air due to financial woes?

Wala pang tatlong buwan sa ere ang game-variety show ni Willie Revillame na Wowowin, pero may lumulutang na balitang magtatapos na ito sa Linggo, July 26. Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP, makikipag-meeting daw si Willie sa executives ng GMA Network at hihilingin daw ng TV host na gawin nang daily ang kanyang show.


Ilang araw nang usap-usapan ang balitang baka magpaalam na sa ere ang Wowowin, ang game-variety show ni Willie Revillame na ipinapalabas sa GMA Network tuwing Linggo ng hapon.

May report pa ngang hanggang sa Linggo, July 26, na lamang diumano ito mapapanood.

Kaugnay nito, nagtanung-tanong ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ilang tao na may kinalaman sa Wowowin upang kumpirmahin ang balita.

Sagot sa amin ng unang source na tumangging magpakilala: “Yun ang latest.”

Dagdag niya, usap-usapan daw sa loob ng istasyon ang tungkol sa maaaring pagsasara ng show ni Willie na wala pang tatlong buwan sa ere.

Noong May 10, 2015 nagsimulang umere ang Wowowin.

Sabi pa ng source, "Pero may pag-uusap pa sila this week. Magmi-meeting pa sina Willie at top executives ng GMA."

May kinalaman din daw sa pera ang posibleng pagtatanggal sa ere ng Wowowin.

“Ang laki na kasi ng nalulugi kay Willie,” ayon sa source.

Bilang blocktimer, sagot ni Willie ang lahat ng gastos ng produksiyon, pati na ang airtime nito sa GMA na milyones ang halaga.

Ngunit pinabulaanan ng dalawang taga-produksiyon ng Wowowin ang alegasyon ng unang source.

“No po. Not true po,” sabi ng assistant director ng Wowowin na si Adrian Gret.

Dagdag pa ng executive producer ng Wowowin na si Rackie Revilla, “Wala pa pong advise si Kuya [Wil].”

Dahil sa kanilang mga sagot, binalikan ng PEP ang unang source kung hanggang Sunday na nga lang ba talaga ang show ni Willie.

Diin nito, “Yun ang balita. Pero mag-uusap pa rin sila, kaya hindi pa rin natin masasabi.

“Kasi kung mag-uusap sila, baka magkaroon ng pagbabago.”

Ang isa raw sa hihilingin ni Willie ay matuloy na ang daily 30-minute game show niya bago ang 24-Oras para makabawi siya.

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ni Willie at ng kampo nito tungkol sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN