Jane Oineza keeps mum about relationship with basketball star Jeron Teng

Jane Oineza says she still keeps in touch with Jeron Teng. “Same pa rin naman doon sa mga dati naming sinabi. Private muna, kasi siyempre, we are focused naman here in our work.”


Bagamat hindi madalas nakikitang magkasama, tiniyak ng Kapamilya young actress na si Jane Oineza na maayos pa rin ang relasyon nila ng UAAP basketball player na si Jeron Teron.

Sa thanksgiving press conference ng ABS-CBN afternoon series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, ngayong hapon, July 24, hindi naiwasan ng entertainment reporters na matanong si Jane tungkol dito dahil napag-usapan ang pagiging single ng mga kabataang artista sa teleserye nila.

Subalit sa halip na sagutin kung taken na siya, sabi ni Jane, “Wala pong ganun. NKNKK lang po muna.”

Pagkatapos ng presscon proper, tinanong ng ilang reporters ang 19-year-old actress tungkol sa kanila ni Jeron.

Sagot niya, “Okay naman kami.

"Consistent pa rin naman ang communication.

"Siyempre, may UAAP din, ako may ganito, so focused muna sa career."

Hanggang ngayon, ani Jane, “nothing official” pa rin sa relasyon nila ni Jeron.

“Same pa rin naman doon sa mga dati naming sinabi.

"Private muna kasi siyempre we are focused naman here in our work," dagdag pa niya.

Ano naman ang masasabi ni Jane sa mga nagsasabing break na raw sila?

“Ako, wala naman siguro sa akin, kasi marami namang mga tao diyan na hindi nila alam yung totoong kuwento.

“Basta kami, alam namin kung ano ang nangyayari behind the cameras, behind everything, okay naman.”

PREGNANT YOUNG GIRL. Samantala, napag-usapan din ang role ni Jane sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, kung saan isang pregnant young girl na siya ngayon.

Inamin ng Kapamilya star na nahirapan siyang gawin ang mga unang eksenang buntis siya, “Kasi first time kong nagawa.”

Dagdag pa niya, “Mayroon na talaga akong heavy drama noon, like [Maalaala Mo Kaya].

“Pero ito kasi, iba na ang emosyon, iba na ang pinagdadaanan.

“Thankful lang ako siyempre na nandiyan sina Direk [Jeffrey Jeturian] at mga writers to guide us.

“Kapag may hindi ka alam, nandiyan sila. Puwede mong tanungin kung ano ang puwede mong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, di ba, it didn't happen to me yet, hindi mo pa alam kung saan ka huhugot ng emosyon.

“Pero 'yon nga, nandiyan sila para tumulong.

“Noong start kasi, hindi ko alam na aabot ako sa ganitong point.

“Pero abangan ang mga susunod pang mangyayari.”

Mas nakatulong din daw na iniisip ni Jane paano kung sa kanya nangyari ang sitwasyon sa eksena.

“Siguro from hugots lang in life. Iniisip ko lang kung mangyari sa akin.

“Iniisip ko lang kung paano kung ako ang nasa puwesto ni Corinne.

“Siguro putting myself in the character.”

Dahil sa sitwasyon ng kanyang karakter ni Jane sa teleserye ay may ilang bagay na natutunan siya.

“Stay strong. Listen to the advice of the people like your mom or family.

“Siguro lahat naman ng advice nila sa 'yo, para sa ikabubuti mo.

“Basta stay strong. Huwag ka lang mag-give up kasi ganyan talaga ang life. Marami kang pagdadaanan.

"Pero kapag hindi ka sumuko, mas maganda ang comeback sa 'yo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN