Myrtle Sarrosa confirms breakup with Brian Poe Llamazares

Myrtle Sarrosa on breakup with Brian Llamazares: "It’s a complicated story. I don’t want to delve into the details kasi mahal na mahal ko yung family niya."


Hiwalay na si Myrtle Sarrosa at ang anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe Llamazares.

Kinumpirma ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4 grand winner breakup nila ni Brian kahapon, July 24, sa press launch ng Star Magic Angels na ginanap sa 14th floor ng ABS-CBN ELJ Building.

Pero una nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalaga sa isang event noong July 23. Nagulat siya na alam namin ang tungkol sa hiwalayan nila.

Pinili rin niyang hindi muna magsalita noon, liban lamang sa pagsasabing tatlong buwan na silang hiwalay at mabait ang napakabait ng pamilya sa kanya.

Sa presscon, hindi na binanggit ni Myrtle ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan dahil naging komplikado raw ang pangyayari.

Nang tanungin naman siya kung may third party nga ba, sagot niya, ”I hope not.”

Saka niya idinugtong, ”It’s a complicated story. I don’t want to delve into the details kasi mahal na mahal ko yung family niya.

“I respect him, and I respect his family.

“Kasi it came out of nowhere. For the entire year, we didn’t fight.

“It was only that day, it was only that day. Kasi it’s funny na sobrang jive yung personality namin 'tapos bigla na lang one day, [nag-break].”



SEXY IMAGE IS NOT THE REASON. Matatandaang naging cover girl si Mrytle ng FHM magazine November 2014 issue.

Ngayon naman ay makakasama siya sa Star Magic Angels, isang grupo ng mga young and sexy actresses sa ABS-CBN.

Nilinaw ni Myrtle na hindi raw naging problema sa kanila ni Brian ang kanyang pagpo-pose nang sexy.

Aniya, “Kasi naman nung kami pa before, we were together for a year.

"Siya naman talaga, sobrang suppportive niya. Siya pa nga dati nag-push sa akin before na mag-workout.”

At ngayon, hindi raw siya nagpapa-sexy para kay Brian, ginagawa niya ito para sa kanyang sarili at para makapagbigay inspirasyon sa kanyang mga fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This time, I am not doing it for anyone, I am doing this for myself.

“I am not doing this for him, he’s not the reason behind this.

“The reason why I am doing this is because I wanna show to people na you can be confident with your body.

“Especially yung mga supporters ko from PBB pa na siyempre through the years, gusto ko din ipakita na, they too, can be comfortable and sexy with their body.”


MOVING ON. Dahil sa pagiging busy sa kanyang trabaho at pag-aaral, hindi na raw iniisip ni Myrtle ang naging hiwalayan nila ng anak ni Senator Grace Poe.

“Gusto ko na i-flip to the next page of my life.

“Parang na-realize ko na there is so much on this to be thankful for.

“Pero, he was a chapter in my life na that has ended.

“Sobrang okay na ako.

“Ang weird kasi, tama yung sinasabi nila, when you lose someone in your life, bigla na lang umuulan na lang ng blessings.

“So right now, everyday may trabaho ako. Sobrang naging blessed right after [breakup].

"Nag-UKG [Umagang Kay Ganda] ako for the entire summer, 'tapos nag-NCAA ako ngayon, nag-Deal or No Deal 'tapos, the Star Magic Angels.

"And I am still studying kasi fourth year na and graduating na ako sa UP Diliman."



LESSON LEARNED. Wala naman daw samaan ng loob sina Myrtle at ang kanyang ex-boyfriend ngunit hindi pa rin sila nakakapag-usap ni Brian pagkatapos nilang maghiwalay.

Ano naman ang natutunan niya pagkatapos ng lahat?

Sagot ni Myrtle, “We’re both really good people na parang we loved each other too much, na parang na-realize namin na 'di talaga proper time.

“Parang eventually, na-realize na lang namin na we need to grow.

"Pero at the same time both of us, hindi namin matanggap, so we’d rather not talk to each other right now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, hindi na raw nakikita ni Myrtle na may pag-asa pang magkabalikan sila ni Brian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN