Ruffa Gutierrez to mom Annabelle Rama: “Dalawa na ang anak ko, nahiwalay na ‘ko, parang let me be, 'di ba?”

Ruffa Gutierrez on mom Annabelle Rama: “There’s no way that I could stay mad at my mom forever, even if she’s sometimes unreasonable or mali na yung ginagawa niya, just because parang ano ba ‘yan, 'di na ako tumanda."


Saan nga ba nagsimula ang pinakahuling alitan ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez?

Lahad ng dating beauty queen, mapapanood ang nangyari sa upcoming third season ng reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

“Ang maganda kasi sa show namin, it’s a reality show so walang script. Kumbaga, whatever comes,” paliwanag ni Ruffa sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press nitong Biyernes, July 24, sa Valkyrie Nightclub, Uptown BGC, Taguig City.

“Nung nag-away kami ng mommy ko in Bali [Indonesia], it’s not scripted.

"I didn’t even know na ganun ang reaction niya, pati ako nagulat.

"So galit na pala siya sa ‘kin no’n, wala akong kaalam-alam.

“Even our director and our cameraman said, ‘Wow, this just got real.’ Pati sila naloka.

“That was the beginning of my fight with my mom.”

Sa kabila ng kanilang away-bati, sinabi ni Ruffa na hindi puwedeng manatili ang galit niya sa ina.

“There’s no way that I could stay mad at my mom forever, even if she’s sometimes unreasonable or mali na yung ginagawa niya, just because parang, ano ba ‘yan, 'di na ako tumanda.

"Feeling ko 18 years pa rin ako.

“Dalawa na ang anak ko, nahiwalay na ‘ko, parang let me be, 'di ba?”

Ang alitan ng mag-ina ay dahil sa hindi pagiging pabor ni Annabelle sa current boyfriend ni Ruffa, si Jordan Mouyal.

Sinabi rin ni Ruffa na ang kanyang love life ang laging pinagmumulan ng alitan nilang mag-ina.

“It’s all about love. She’s just always been like that, 'di ba? Wala namang problema kundi love life ko lang talaga.”

Sabi ni Ruffa, kahit sinong makarelasyon niya noon pa man ay laging kinokontra ng ina.

Biro pa ng aktres, “Baka maloka siya bigla akong magkagusto sa mga girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka yun ang gusto niya, baka lalo siyang maloka kung bigla akong maging tomboy.”

HAPPY WITH JORDAN. Sabi pa ni Ruffa, buti na lang daw at secure sa kanyang pagkatao si Jordan.

“I’m so happy that he’s very secure. Kung ibang tao na 'yon baka umiwas na sila, but for him he’s very secure.”

Dahil nananatiling matatag ang kanilang relasyon sa kabila ng mga pagsubok, kabilang na ang 'di pagsang-ayon dito ni Annabelle, sinabi ni Ruffa na patunay lamang ito na nagmamahalan talaga sila.

“Yeah, I think it’s a two-way thing. Also with Jordan, he has proven to me and to my friends that he’s here for the long run.

“Hindi naman siya pangit, may trabaho naman ang tao, maganda naman ang kinikita niya. He has a double degree in engineering.

"Hindi naman siya yung parang walang pinag-aralan na hampaslupa. Hindi naman siya tambay sa kanto.

“He feels bad but he knows it’s my mom and siguro ginoogle na niya since he’s an IT, na alam na niya na it’s not a new thing.

“Sana kung siya lang talaga inayawan ni Mommy. Hello! Pati nga si John Lloyd [Cruz] inayawan, 'di ba? Box-office king na 'yon, no!”

Dating nagkaroon ng relasyon noon sina Ruffa at John Lloyd.

Pero nauunawaan naman daw ni Ruffa na sa kabila ng away nilang mag-ina, alam niyang mahal siya nito.

“I think love ako [ng mommy ko], she s just worried. Let’s see kung ano’ng [susunod na] mangyayari,” saad pa ng aktres.

Magsisimula ang It Take Gutz To Be A Gutierrez sa July 27, Lunes, 9:00 PM sa E!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN