Kylie Padilla feels better her parents have moved on with their respective lives

Kylie Padilla narrates the little things she misses about being with her family: “'Tsaka yung paggising mo sa umaga, naaamoy mo yung ulam kasi nagluluto yung nanay mo—iyon ang gigising sa 'yo. Iyon yung mga maliliit na bagay na nami-miss ko na hindi ko masyadong na-appreciate noon.”


Marami raw pagkakaiba ang pamilya Buena sa totoong pamilya ni Kylie Padilla.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalaga sa GMA Network Center noong Lunes, July 20, sa presscon ng Buena Familia na ipapalabas na sa GMA sa Martes, July 28. Gaganap dito si Kylie bilang si Celine Buena.

Inisa-isa namin ang differences at puwedeng similiraties.

Una, ang pamilya Buena ay intact.

“Yes,” pagsang-ayon niya.

Pero sa tunay na buhay ay hindi buo sina Kylie bilang pamilya.

“Well, kinorek ako kasi where we are sa taping, hindi pa kami nagkawatak-watak so I was wrong there.

"Kasi daw mangyayari din daw iyon dito [sa Buena Familia].

“Pero I’m saying iba kami, kasi by the detail, hindi naman siya [Celine Buena] artista and hindi naman artista yung tatay [Bobby Andrews as Arthur Buena] niya.

“And yun na nga, nag-asawa si Papa [Kylie’s dad, Robin Padilla] ng bago so it’s so different. I can’t say na parehas and hindi naman ako panganay.

“I’m more rebellious than Celine,” at tumawa si Kylie.

“Sobrang magkaiba kami, mas responsible siya. Si Kylie yung rebellious; si Celine yung medyo behaved.”

Matagal na rin naman na may kanya-kanyang buhay na ang mga magulang ni Kylie.

Si Robin ay kasal na kay Mariel Rodriguez at ang ina naman niyang si Liezl Sicangco ay sa Australia na nakatira.

MISSING HER FAMILY'S COMPANY. Okay ba kay Kylie ang kanilang sitwasyon? Tanggap na tanggap ba niya?

O nasasaktan pa rin ba siya hanggang ngayon, kahit na masasabing “living independently” na siya sa kanyang sariling condo unit?

Pag-amin niya, “Siyempre ano, nakaka-miss din kasi yung pag-uwi mo…

"Last, last week nag-sleepover ako sa mga kapatid ko, and yung pauwi pa lang galing work, alam kong may mauuwian ako, may naghihintay para sa akin.

“Sobrang sarap ng feeling! Yun ang pinakanakaka-miss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tsaka yung paggising mo sa umaga, naaamoy mo yung ulam kasi nagluluto yung nanay mo—iyon ang gigising sa 'yo.

“Iyon yung mga maliliit na bagay na nami-miss ko na hindi ko masyadong na-appreciate noon.”

Naiibsan naman raw ang pagka-miss niya sa ina niya kapag umuuwi siya sa Australia kapag holidays.

Paano ang Papa niya?

“Masaya naman si Papa, e,” at tumawa si Kylie.

Tanggap niya na may mga sariling buhay na ang parents niya.

“I’m okay kasi mas better, hindi na sila... you now, hindi na sila nag-aaway and stuff like that.”

Na hiwalay ang dalawa pero magkaibigan kaysa naman nagsasama pero laging nag-aaway?

“Actually, mas okay nga yun,” ulit pa niya.

Bukod kay Kylie at Bobby ay nasa Buena Familia sina Angelu de Leon bilang si Bettina Buena, at Sheryl Cruz bilang Josephine; sina Jake Vargas bilang Kevin Acosta at Julie Anne San Jose bilang Darling Acosta; Julian Trono bilang si Edwin Buena, Mona Louise Rey bilang Faye Buena, at Martin del Rosario bilang si Harry.

Kasama rin sa cast sina Jackie Rice, Ryza Cenon, Aicelle Santos, Mayton Eugenio, Mel Kimura, Lou Sison at si Ms. Tessie Tomas.

Ang Buena Familia ay sa direksyon ni Gil Tejada, Jr.

KAPUSO GRAND FANS DAY. Karamihan sa cast ng Buena Familia ay mapapanood din sa Kapuso Grand Fans Day na gaganapin ngayong Linggo, alas dos ng hapon, sa SM Mall of Asia Arena.

Ito ay bilang pasasalamat sa publiko sa ika-animnapu’t limang taon ng GMA.

Magsasama-sama rito ang mga Kapuso stars at personalities upang maghatid ng saya sa lahat ng kanilang mga tagahanga. Magkakaroon din ng iba’t ibang on-ground activities at mini-show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN