Julian Trono not vindictive over impending cancellation of Sunday All Stars: “Wala namang masamang tinapay”

Despite being booted out of Sunday All Stars last year, Julian Trono clarifies that he's not feeling vindictive over the show's impending cancellation: “Ah hindi naman po! Walang ganun. Totoo, walang ganun kasi puwedeng mag-ganun kung alam mo yun, kung naging hindi maganda yung trato ng show [sa iyo]. Pero hindi naman, kasi yun nga, naging maayos naman po yung treatment nila sa akin. Wala namang masamang tinapay.”


“Siyempre malungkot po ako,” ang sagot ni Julian Trono nang tanungin namin kung ano ang naramdaman niya sa napipintong pagkawala sa ere ng Sunday All Stars (SAS).

Kahit na nga ba isa siya sa mga inalis na performers sa SAS noong April of last year ay hindi daw niya ikinatuwa na matatanggal na sa ere ang naturang Sunday musical variety show.

“Totoo, I mean kahit hindi na ako nagpe-perform sa SAS, siyempre alam mo yun, nagsu-support pa rin ako, nanonood pa rin ako, 'pag may time din talaga.

“Nakakalungkot kasi mas, of course dun sa staff, first of all dun sa staff, yung mga dancers. Kasi talagang walang trabaho na e, mawawalan sila ng trabaho, so...," sabi ni Julian sa presscon ng Buena Familia, ang bagong serye ng GMA 7.

Dugtong niya, “Yung mga artists kasi for sure, eventually magkakaroon ng trabaho, e.

“Kumbaga, wala namang problema. Medyo magkakaroon lang siguro for a time wala pero eventually magkakaroon [ako ng trabaho].

“Dun ako sa mga dancers at sa staff din na talagang iyon, unemployed talaga silang lahat so…

“Ang maganda din siguro kasi some of the dancers there, dancers ko na din, as in personal dancers ko so mabibigyan ko ng trabaho yung iba.

“Pero paano naman yung iba, 'di ba? So maraming factors, e, so nakakalungkot din. Sobra talaga,” pahayag ni Julian.

NO GRUDGES. Hindi raw feeling vindicated si Julian sa pagkakatanggal sa kanya sa show last year.

Pagklaro niya, “Ah hindi naman po! Walang ganun. Totoo, walang ganun kasi puwedeng mag-ganun kung alam mo yun, kung naging hindi maganda yung trato ng show [sa iyo].

“Pero hindi naman, Kasi, yun nga, naging maayos naman po yung treatment nila sa akin.

“Wala namang masamang tinapay.

“And siguro yung pagtanggal din naman sa akin, before naging decision din naman ng, kumbaga, pinagdesisyunan naman. Hindi lang din naman ako, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So wala naman akong burden or mga grudges towards sa staff and I mean the show itself.

“Wala. Ganun lang talaga, e. Kumbaga, at saka nagge-guest din naman ako. Eventually, natanggal [ako]. Bumalik din naman ako so walang problema.

“And yun, nung nawala din naman ako parang nagkaroon din ako ng time, alam mo yun, every Sunday. So wala namang problem.”


NO TO NUDE SELFIES. Napadako ang usapan namin sa nude selfies.

Ang isa sa mga co-stars ni Julian sa Buena Familia si Martin del Rosario, ay nasangkot sa ganitong eskandalo. May kumalat na nude photo sa social media, at si Martin ang itinurong nasa malaswang larawan na iyon.

Si Julian ba ay kampante na wala siyang lalabas o kakalat na nude selfie?

“Ako sobrang confident naman ako.

“Kasi nga, ewan ko, I mean I’m not against all those scandals na lumalabas ngayon, yung mga controversies. Kasi, in the first place, why take a picture, 'di ba?

“Parang yun na, e. I mean ganun naman everyone, e, may mga inner thoughts talaga na ganun. I mean personal kasi, e, personal thoughts yun, e.

“Siguro fascinated sila sa sarili nilang body features and all that… pero kasi hindi naman kailangang mag-take ng photos, e.

“As in ayoko yung magkakaroon ng ganyan, magkakagipitan.

“Hindi mo naman kasi maiiwasan na mananakawan, maiiwan mo yung phone mo, whatsoever. So iyon, ako, wala, e.

“Hindi talaga,” diin niya.

Kahit minsan raw ay never siyang nag-nude selfie.

“Not even once,” giit pa niya.

SHIRTLESS SELFIE? Pero may mga shirtless selfie raw si Julian.

“Siguro yung walang shirt oo, iyon marami ako nun.

“Kasi 'pag nagdyi-gym ako, ano lang, tsine-tsek mo yung changes, yung growth nung katawan mo.”

Ang pinaka-seksi raw niyang selfie ay kuha sa beach na nakahubad siya at naka-suot siya ng maikli at fit na shorts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi raw niya iyon pinu-post sa social media.

“Kasi parang not yet. Siguro, darating yung time na yun. I mean lahat yata, alam mo yun. Kailangan i-share sa tao yung part na yun, so I’m not in a rush.

“Siguro eventually, next year! Eighteen na ako this year so next year.”

So puwede na rin siyang rumampa ng hubad sa Cosmo Bash?

“Tingnan natin, we’ll see,” pahabol ni Julian.

Ngayong Linggo, July 26, isa si Julian sa mga performers sa Grand Kapuso Fans Day na gaganapin ng 2pm sa SM Mall of Asia Arena.

Ito ay selebrasyon ng 65th anniversary ng GMA Network.

Si Julian ay gumaganap sa papel na Edwin Buena sa Buena Familia, na ipapalabas na sa GMA mula Martes, July 28.

Nasa Buena Familia din sina Kylie Padilla bilang Celine Buena, Angelu de Leon bilang Bettina Buena, Bobby Andrews bilang Arthur Buena, Sheryl Cruz bilang Josephine, Jake Vargas bilang Kevin Acosta, Julie Anne San Jose bilang Darling Acosta, Mona Louise Rey bilang Faye Buena, at Martin del Rosario bilang si Harry Atendido.

Kasama rin sa cast sina Jackie Rice, Ryza Cenon, Aicelle Santos, Mayton Eugenio, Mel Kimura, Lou Sison at si Tessie Tomas.

Ang Buena Familia ay sa direksyon ni Gil Tejada, Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN