Jimboy Salazar hints at being hexed by unidentified gay in his last interview

In his last interview with Startalk, Jimboy Salazar hinted at being hexed (kulam) by an unidentified gay: “Kung sino man yung baklang umaano sa akin, ipinaano ako, hindi ko lang alam, ako na ang humihingi ng tawad sa ‘yo. Kung ano man yung nagawa ko sa ‘yo, wala akong alam, huwag mo akong parusahan.”


Bago binawian ng buhay si Jimboy Salazar kahapon ng umaga, July 24, ay nagpaunlak pa siya ng interview sa Startalk noong Huwebes ng hapon, July 23.

Sinadya ng Startalk si Jimboy sa tahanan ng kanyang inang si Delia Sta. Maria sa San Miguel, Bulacan.

Malaki ang ipinayat ng dating miyembro ng That’s Entertainment. Halos hindi na rin siya makatayo at hirap na rin siyang magsalita.

Magmula nang kinuha siya ng kanyang ina, tatlong linggo na raw siyang pabalik-balik ng ospital para magpa-checkup dahil sa pneumonia niya, pero palala na ito nang palala.


MYSTERIOUS SYMPTOMS. Doon na raw nilang sinubukang magpagamot sa albularyo. Dinala siya ng tiyahin niyang si Gelly Concepcion.

Lahad ni Jimboy, “Ilang days na nanghihina na naman ako, 'tapos sabi ko, 'Magpa-albularyo tayo.'

“Kasi may nangyari… magtataka ka na parang tinutusok ako dito [tinuturo ang dibdib niya], masakit.

“'Tapos, minsan biglang nagdumi ako sa palanggana, ang lalaki! Sabi ko, 'Saan galing yun?'

"Ang then, nagpa-medico kami, meron daw nagdadasal sa aming bahay.

"So, pinaano ako… parang ganun yung dating yung sinasaniban ni Mama Mary.”

Pagkatapos daw niyang magpa-albularyo ay medyo umokey ang pakiramdam niya at nakakalakad na siya.

Pero nagpapatingin pa rin daw siya sa hospital at pneumonia pa rin ang sabi ng doktor. Hanggang sa nagkaka-rashes na raw siya.

NOT AIDS. Iniwasan ni Jimboy pag-usapan ang isyung AIDS dahil binanggit naman niya sa mga nakaraang interview na sigurado siya sa sexual activities niya at alam daw niyang hindi siya magkaka-AIDS.

Hindi pa rin daw siya nawawalan ng pag-asa. Naniniwala siyang gagaling siya.

Pahayag pa ni Jimboy, “Nananalig ako sa Diyos, kay St. Claire nananalig ako.

"Sa Diyos ako kumakapit, kasi ang hirap din kasi sa doktor, puro gamot.

“Alam mo, parang hindi ko na winu-worry na magdusa ako, ewan ko.”

Hindi naman daw nakalimot ang ilang kaibigan niyang dumalaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagpapasalamat si Jimboy sa mga kamag-anak niya, sa mga pinsan niyang tumutulong para maipagpatuloy ang pagpapagamot.

Naubos na raw ang ipon niya, kaya lumapit na siya sa mga kamag-anak.

MOMMY DEAREST. Paulit-ulit pinasalamatan ni Jimboy ang kanyang ina na kumupkop sa kanya nang nilapitan niya ito para hingan ng tulong.

“Sabi ko sa kanya, walang mag-aasikaso sa akin.

“So, sabi ko, ‘Nay, ikaw ang kailangan ko...'

"Kasi ang tatay ko, hindi maasikaso, baldado na rin yun para ano na rin... hindi niya talaga kaya, parehas na kaming may sakit.

“Si Nanay may sakit na rin, pero ginagabayan niya ako nang husto dito.

"Pero nananalig pa rin ako sa Diyos," emosyunal na pahayag ni Jimboy.

Saad naman ng kanyang ina, “Kami lang dalawa, e. Siya lang ang anak ko, ako ang nanay niya.

“Talagang 'pag nakikita ko siyang ganyan, para akong naaano.

“Sabi ko nga, kung magagawa ko lang, ayoko na siyang tingnan.

“Kaya lang, magulang ako, titiisin ko na kahit ano makita ko, tiisin ko. Pero napakasakit sa isang magulang na ganun.

“Tapos wala ka pang pera pang suporta talaga dahil mahirap lang kami.

“Gusto ko man siyang idala sa mahal na hospital, wala naman akong ilalagay o gagastusin.

"Kaya ako, alaga na lang yung sa akin."

Pahayag ni Jimboy, “Basta ang sa akin, maibabalik ang lahat, nananalig ako sa Diyos. Walang imposible sa Diyos.

“Kaya ko ito, thru our prayers, more prayers. Tulungan n'yo lang akong magdasal sa mga nakagalit ko.

“Patawad kung sino man sa inyo diyan.

“Patawad, tao lang ako, 'di ba?”


HEXED BY UNIDENTIFIED GAY? May binanggit din si Jimboy na bading na ayaw niyang sabihin kung sino. Ang duda raw kasi nila ay ipinakulam siya ng bading na ito.

Sabi niya, “Kung sino man yung baklang umaano sa akin, ipinaano ako, hindi ko lang alam, ako na ang humihingi ng tawad sa ‘yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano man yung nagawa ko sa ‘yo, wala akong alam, huwag mo akong parusahan.”

Isang araw pagkatapos nga naming makapanayam si Jimboy ay sumakabilang-buhay na siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN