Ai-Ai delas Alas promises to bring Jiro Manio to Japan: "Gagawin ko ang lahat na ma-meet ang daddy niya."

Ai-Ai delas Alas reveals her promise to Jiro Manio as soon as he gets out of rehab: “Gusto niyang makita yung [biological] daddy niya so gagawan ko ng paraang makita yung daddy niya. At sinabi ko naman sa kanya na gagawin ko ang lahat na ma-meet ang daddy niya.”


Nangako si Ai-Ai delas Alas kay Jiro Manio na dadalhin niya ito sa Japan kapag gumaling na ito sa kanyang pagpapa-rehab.

Ikinuwento ito ng Comedy Queen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos niyang dalawin si Jiro sa isang facility kung saan niya ipina-rehab ang dating child actor.

Natutuwang ikinuwento ni Ai-Ai ang reaksyon ni Jiro nang magkita silang dalawa.

“Si Jiro, cute din minsan. Sabi niya, 'Uwi na ako?'” pakli ng Kapuso Comedy Queen.

“Akala niya uuwi na siya.

"Sabi ko, 'Anak, tulungan mo ang sarili mo para makalabas na tayo rito,' 'tapos tumatango lang siya.

“Actually, ngayon ko lang siya nakitang medyo ganun na natawa, e.

“Usually, ngumingiti lang siya, e. Natatawa na siya na parang nagulat siya, so I think medyo okay na siya.”

Nagpaalam din daw si Ai-Ai na kukunan niya ng litrato si Jiro at ipu-post niya sa kanyang Instagram account para mapatunayang okay siya at hindi totoo ang kumalat na kuwentong patay na siya.

Ikinuwento rin ng doktor at ng mga nurse ni Jiro na nakikipag-cooperate na raw ito para mabilis ang kanyang paggaling.


AI-AI'S PROMISE. Isa raw sa napag-usapan nila ni Jiro ay kung ano ang gagawin nito paglabas ng rehab.

Saad ni Ai-Ai, “Gusto niyang makita yung [biological] daddy niya, so gagawan ko ng paraang makita yung daddy niya.

"At sinabi ko naman sa kanya na gagawin ko ang lahat na ma-meet ang daddy niya."

Sabi pa raw niya kay Jiro, “Kung yun ang gusto mong mangyari...

"Pero sabi ko, may mga bagay tayo na dapat i-ready natin yung sarili natin kasi hindi ko rin alam, e."

Tinanggap na raw ni Ai-Ai sa sarili na iyon ang misyon niya para kay Jiro. Handa rin naman daw siyang kargo na niya ito kahit pa habambuhay.

“Sinabi ko na rin kay Lord, 'Kung ito po yung task Niyo para sa akin, yung bago kong misyon, e, okay lang po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Basta tulungan Niyo lang po ako na maging healthy, and tulungan Niyo po rin ako na magabayan ko si Jiro nang tama.

“Kung ano po yung itinulong Niyo sa akin na maging gabay sa mga totoo kong anak, mga biological kong mga anak, yun din po yung itulong Niyo sa akin ngayon.

"'Kasi medyo tough yung tatahakin ko kay Jiro,'” seryosong pahayag ni Ai-Ai.

Mabuti raw at malalaki na ang mga anak niya kaya hindi na siya gaanong nag-aalala sa pag-asikaso sa kanila.

“Nakakatuwa rin si Lord, e. Ibinigay niya ito sa akin ngayong malalaki na yung mga anak ko.

“Yung dalawa, nasa Amerika na. Si Sancho, ang laki-laki na ni Sancho.

"Yung maliit ko lang, e, marami naman kaming nag-aalaga dun,” pakli niya.


EMPATHY FOR JIRO. Naiintindihan daw ni Ai-Ai si Jiro sa kagustuhan nitong makita ang kanyang tunay na ama dahil yun din daw ang naramdaman ng aktres nang nalaman niyang ampon siya.

“Alam ko yung feeling na ganun, e, na yung longing.

"Tapos 'pag nakita mo na yun, dun pa lang medyo matatapos yung emosyon mong ganun, e.

“Kasi, 'di ba, adopted ako?

“Nung dati na hindi ko pa alam sino nanay ko, sino tatay ko nung maliit ako, hindi nawawala yung feeling na hindi ko maintindihan kung bakit.

“Hanap ako nang hanap ng kung anu-ano.

“So, nung nalaman ko na kung sino yung nanay ko, sino yung tatay ko, natapos na yung emosyon kong ganun.

"And, I think, yun yung gusto kong maintindihan ni Jiro, kaya dadalhin ko siya sa Japan,” saad ni Ai-Ai.

Pinaiintindi rin naman daw ni Ai-Ai kay Jiro na huwag masyadong mag-expect na maging maganda ang resulta sa pagkikita nila ng kanyang ama sa Japan.

Hindi pa masabi ni Ai-Ai kung kailan makakalabas si Jiro.

Inaasahan niyang ngayong taon ay maging okay at tuluy-tuloy na ang paggaling ni Jiro kapag hindi na ito magkaproblema sa loob ng facility.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN