Deniece Cornejo finally moves on from Vhong Navarro controversy

Aminado si Deniece Cornejo na maraming bagay ang nawala sa kanya simula noong nasangkot siya sa pambubogbog sa TV host na si Vhong Navarro noong January 22. Pero unti-unti na raw nanunumbalik ngayon ang mga proyektong nawala dati.


Ikinatuwa ni Deniece Cornejo ang naging desisyon ng korte na payagan ang kanilang bail petition.

Ito na ang pangalawang desisyon ng husgado na payagan ang kampo niya, kasama sina Cedric Lee at Zimmer Raz, na makapagpiyansa sa kasong kinakaharap bunsod ng umano’y pananakot nila at pambubugbog sa It’s Showtime host na si Vhong Navaro, noong January 22, 2014.

Bungad ng aspiring model, “Ay napakasaya ko po kasi siyempre maku-continue ko po yung mga gusto ko pa pong mangyari sa buhay ko at sa mga plano ko, sa mga puwede pang mangyari sa future and career.

"'Tsaka makakasama ko pa yung parents ko at saka yung family ko.”

Sinasabi ng kampo ni Vhong na ang CCTV [closed-circuit television] footage ang isa sa kanilang pinakamatibay na ebidensiya laban sa kampo nila ni Deniece.

Pahayag ng dalaga tungkol dito, “Uhm, hindi po natin masasabi na strong yung ebidensiya hanggang hindi pa po nadi-discuss ‘yan sa court.

“Kaya nga po meron tayong kailangang sundin na proseso.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Deniece kagabi, July 24, sa opisina ng abugado nitong si Atty. Ferdinand Topacio sa Pasig City.

MOVING ON. Sa ngayon daw ay naka-move on na si Deniece mula sa kontrobersiyang kinasasangkutan.

Kuwento ni Deniece, “I can say na naka-move on na po ako.

"Kasi at least nandito yung mga friends ko at mga family ko na supportive sa akin. At yung mga projects, bumabalik na unti-unti.”

Gaano kalaki ba yung nawala sa buhay niya noong nasangkot siya sa nasabing insidente?

Saad nito, “Marami po. Katulad before, yung billboards ko, yung mga bagay-bagay na dati kong ginagawa.”

Samantala, ayaw namang magkomento ni Deniece tungkol sa warrant of arrest ng kanyang kaibigan na si Cedric sa iba pang kasong kinasasangkutan nito.

“I don’t wanna comment about that,” ang pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN