Christopher Roxas stands by his faith amid Iglesia Ni Cristo corruption allegations

In a recent Facebook post, actor Christopher Roxas aired his sentiment regarding the latest corruption allegations hounding the leaders of Iglesia Ni Cristo. An excerpt from his statement reads, "Sa mga nagtatanong at may komento about INC... ito po ang stand ko... IGLESIA PO AKO NI CRISTO... Hinde po ako Iglesia ng kung sino man... Kung ano po ang sinasampalatayanan ko doctrina at laman ng biblia, yun ang sinusunod ko.”


Nagulat ang lahat sa kontrobersiya na hinaharap ngayon ng simbahang Iglesia Ni Cristo (INC) tungkol sa mismong mga leaders o pamilya Manalo ng INC.

Kabilang dito ang kanilang pinuno na si Ka Eduardo Manalo, ang sarili nitong ina, si Ka Tenny Manalo, at mga kapatid, lalo na ni Ka Angel Manalo.

Nagsimula ang lahat sa isang video ni Ka Angel at may voice recording ng kanilang ina na humihingi ng tulong dahil diumano'y nanganganib ang buhay nilang mag-ina at na-abduct daw ang isang minstro ng INC.

Noong Huwebes ng umaga, ang balitang pagtitiwalag sa sariling ina at mga kapatid ni Ka Eduardo sa Iglesia Ni Cristo ang pinakamalaking balita sa bansa at sinundan na nga ang bawat pangyayari hanggang ngayon ng media at iba kahit na hindi miyembro ng INC.



DEVOUT FOLLOWERS. May mga artista rin na kilalang miyembro ng INC at masasabing masisipag at tapat sa kanilang pananampalataya at regular na ginagawa ang pananambahan.

Kabilang na rito ang mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes. Sa kanilang dalawa, si Gladys at ang pamilya nito ang orihinal na miyembro ng INC.

Mag-boyfriend at girlfriend pa lamang noon sina Christopher at Gladys nang magpa-convert ang aktor sa Iglesia.

Noong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christopher noon, sinabi niyang nagpa-convert siya sa kaparehong relihiyon ni Gladys dahil dito lumago ang pananampalataya niya sa Diyos.



CHRISTOPHER'S STAND ON ISSUE. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nagpahayag si Christopher ng kanyang saloobin sa kasalukuyang sitwasyon ng INC.

Ang kabuuang Facebook post ng aktor:

"Sa mga nagtatanong at may komento about INC... ito po ang stand ko...

“IGLESIA PO AKO NI CRISTO... Hinde po ako Iglesia ng kung sino man...

“Kung ano po ang sinasampalatayanan ko doctrina at laman ng biblia, yun ang sinusunod ko. Ang Iglesia Ni Cristo ay banal ang tao po ay kanya-kanyang punas lamang po ng lamesa...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit ako titingin sa tao siya ba ang diyos ko... at higit sa lahat sa akin ba sisingilin yan kung sino ang may sala siya ang haharap pagdating ng takdang panahon... panu niyo hihiklatin sa puso ko ang naramdaman ko ng tawagin ako ni Cristo...”

Ilan sa mga nag-comment sa post ni Christopher ay nagpakita ng paghanga sa kanya dahil sa paniniwala at pananampalataya niya.

Meron din nagsabi na matapang daw ang actor dahil yung iba, nananahimik o playing safe lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN