Jeric Gonzales junks gay benefactor rumors

Jeric Gonzales says he's always willing to accommodate fans' requests for a dinner date. “Hindi po, kasi ano, talagang ano ako sa mga fans na gusto akong makita, yung mga ganun. Na 'pag nag-request, tapos parang gusto akong makita, ‘Dinner tayo!’ Okay lang naman po sa akin yung ganun. So parang ano, friends lang po.”


Hiningan namin ng paglilinaw ang young Kapuso male star na si Jeric Gonzales tungkol sa kumakalat na balitang may gay benefactor siya.

Ang naturang gay guy diumano ay galante at kung saan-saang lugar ibinibiyahe si Jeric.

“Talaga? Sino po yan?" tanong ni Jeric siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng music video na Pwede Ba? nitong nakaraang Martes, July 21 sa GMA Network Center.

“Hindi po, kasi ano, talagang ano ako sa mga fans na gusto akong makita, yung mga ganun," dagdag niya.

“Na 'pag nag-request, tapos parang gusto akong makita, ‘Dinner tayo!’

“Okay lang naman po sa akin yung ganun.

“So parang ano, friends lang po,” panimulang pahayag ni Jeric.

NO MALICE. Wala raw malisya kay Jeric ang pakikipag-“meet and greet” niya sa mga tagahanga niyang bading.

At hindi naman din daw siya nakikipagkita na dalawa lang sila.

“Hindi po, may kasama rin ako, may kasama rin siya. Usually po kasama ko ang family ko, parents, ganyan.”

Kilala raw niya ang mga nakakasalamuha niya at hindi naman random strangers ang sinasamahan niya.

“Kilala ko na, pinapakilala nung fans, nung mismong group [of fans] ko talaga,” dagdag pa ni Jeric.

ACCOMMODATING TO FANS. Ibinabalik lang raw niya ang kabutihan sa kanya ng mga fans niya sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa mga ito.

Dalawang beses na raw niya itong ginawa, na makipagkita sa fans niya na bading.

“Minsan hindi naman bading, may babae din,” pagklaro pa ni Jeric.

Hindi ba siya natatakot na matsismis na may gay benefactor siya?

Naiintriga na nga siya dahil may mga nakakakita daw sa kanila ng diumano'y gay benefactor.

"Hindi naman po," sagot ni Jeric.

Ganun lang daw niya ina-appreciate ang mga tagahanga niya at never daw siyang sumama sa isang gay fan na mag-isa lang siya.

“Ah, never. 'Tsaka yung ano, dinner lang talaga, yung ganun, kasama parents ko,” muli niyang paglinaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


U.S. TRIP. Naikuwento ni Jeric na naimbitahan sa isang film festival sa Amerika ngayong August 7 ang Dementia, isang pelikula kung saan nakasama niya si Nora Aunor.

Malamang raw na pumunta si Jeric dahil inimbitahan ang buong cast at production ng naturang pelikula.

“Birthday ko nga po yun, August 7,” masayang sabi ng 23 years old na si Jeric.

Mabilis nga raw natupad ang isa sa mga birthday wishes niya—ang makapunta sa Amerika.

Kung saka-sakali, ito ang unang byahe ni Jeric sa America.

BIRTHDAY WISH. Ano pa ang birthday wish niya?

“Iyon po, sa career, na mas magandang progress sa career this year. Then sa family, good health.”

Lovelife?

“Lovelife!” natatawa niyang dagdag.

Umamin si Jeric na may nililigawan siyang non-showbiz girl na nakilala niya sa isang event. Magdadalawang buwan na raw mula ng makilala ni Jeric ang naturang babae na mas bata sa kanya.

Kasama si Jeric sa grupong 3logy na kinabibilangan din nila Abel Estanislao at Jak Roberto. Sila ang umawit ng Pwede Ba?, na sinulat ni Mikoy Morales.

Ang Pwede Ba? ang official theme song ng Koreanovelang Pinocchio.

Ito rin ang official theme song ng Koreanovelang Pinocchio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN