Andrea Torres on possible teamup with Dingdong Dantes: “Kung ibigay, why not?”

Andrea Torres on the possibility of being paired with Dingdong Dantes: “Why not? Siyempre kung ibibigay, bakit hindi? Pero ang taas lang kasi ng tingin ko kay Kuya Dong. Hindi ko alam kung mangyayari ba sa akin.”


Kakaibang Andrea Torres ang mapapanood ng televiewers dahil sa karakter na gagampanan niya sa primetime series na Pari ‘Koy.

Sa kauna-unahang pagkakataon, gaganap siya bilang isang escort girl at mapagsamantalang babae. Dahil dito, marami siyang sexy scenes na gagawin.

Kukunan pa lang ang eksena ni Andrea na sumasayaw sa isang bar nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling entertainment press sa set visit ng Pari ‘Koy noong July 22 sa isang restaurant/bar sa Roces Avenue, Quezon City.

Ayon kay Andrea, “Escort girl ako rito. Lolokohin ko yung daddy ni Father Kokoy, si Sir Spanky Manicad. Papaniwalain ko siya na love ko siya, kasi na-in-love siya talaga sa akin.”

Magse-sexy dancing din daw siya sa mga susunod na episodes ng Pari 'Koy.

Ito pa lang daw ang kauna-unahang pagkakataon na gagawin niya ang ganitong mga klaseng eksena.

“First time ko lang gagawin kasi, ngayon lang yung may sexy dance pa, hindi pa ganun kabait yung role.”

Nagpapasalamat si Andrea na naisipan siyang kuhanin at i-guest sa Pari 'Koy.

“Na-flatter po ako kasi siyempre. Soap [yan] ni Kuya Dong [Dingdong Dantes]. Siyempre, kapag kay Kuya Dong, parang honor na makasama sa soap niya.

“Pero yung role rin, parang kaya ko ba 'to? Parang 50/50 rin. Siyempre gusto kong makasama sa soap niya tapos primetime pa.”

Saan nanggagaling yung pagdadalawang-isip ni Andrea?

“Siyempre sasayaw ako ng sexy. Hindi ko alam kung kaya ko bang gawin.

“Kaya ko ba yung role na parang may pagka-kontrabida, may bad side talaga siya?

“Pero kinausap ako ng manager ko. Sabi niya maganda raw ang role. I-trust ko raw siya, nakita na raw niya ang script. Nag-usap na sila.”



EXCITED WORKING WITH DINGDONG. Hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na nakasama niya sa teleserye ang Kapuso Primetime King. Nagkasama na rin sila sa My Beloved.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkasama na kami sa My Beloved pero yung mga eksena ko sa kanya, konti lang. Unlike here, parang ang tagal ko siyang kakausapin.”

Ang dati niyang ka-loveteam na si Mikael Daez ay may iba ng ginagawa, ang My Faithful Husband.

Nakikita rin ba niya na posibleng siyang maipareha at maging leading lady ni Dingdong?

“Naku, hindi ko po alam. Possible ba yun?” nakangiting tanong niya.

“Why not? Siyempre kung ibibigay, bakit hindi? Pero ang taas lang kasi ng tingin ko kay Kuya Dong. Hindi ko alam kung mangyayari ba sa akin.

“Pero kung ibigay, why not?” lahad niya.



LOVETEAM WITH MIKAEL ON HOLD? Alam na rin daw niya na pagkatapos nilang gawin ni Mikael ang movie/teleserye nila sa Cambodia na Blood In Dispute, paghihiwalayin muna sila bilang loveteam.

“Alam namin na yun na muna yung... hindi naman last pero, paghihiwalayin muna. Nakarami na rin po kasi."

Mas okey sa kanya na maghiwalay na nga sila?

“Hindi naman,” natawa niyang sabi.

“Okey rin para makakuha rin kami ng learning from other people.”

Sa ngayon, hindi pa raw niya alam kung ano ang susunod niyang magiging regular na teleserye. Pero magiging semi-regular rin daw siya sa bagong programa ng GMA-7 na Sunday Pinas Saya (SPS).



CAMBODIA-BOUND. Sa August 7 ay magkakasama pa rin sila ni Mikael dahil pareho silang babalik ng Cambodia para sa premiere night ng Blood in Dispute.

“Four days lang po kami run at saka medyo relax ang schedules namin ngayon.

“Ipapalabas din po dito, pero as mini-series.

“Sa Cambodia raw po kasi, kapag malaki yung project, ginagawa muna nilang movie at saka po nila gagawing TV series,” paliwanag niya.

Ano ang pakiramdam na magpi-premiere night na siya sa Cambodia?

“Exciting!” nakangiting sabi ni Andrea.

“Kasi nakita ko na yung trailer, ang ganda. Ang ganda ng pagkakagawa.

“Nakakakilabot siya. Gusto ko ng makita and at least, hindi na ko kakabahan kasi, nakita ko na siyang buo. Pagdating dito, alam ko na ang ipapalabas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SADDENED BY SAS CANCELLATION. Isa naman sa mga regular ng Sunday All Stars si Andrea kaya nalungkot din daw siya nang malaman niyang mawawala na nga ito at papalitan na ng SPS.

Ani Andrea, “Affected, sobrang lungkot.

“Kasi family na. Parang family na ang turingan namin dun.

“Doon din ako nagkaroon ng friends sa showbiz kasi dati, wala naman akong friends, kung sino lang yung kasama ko sa set, yun lang ang friends ko.

“Pero dun lang ako nagkaroon ng friends kahit na outside work, friends ko pa rin talaga.”

Dugtong pa niya, “Medyo nakaka-miss at saka, hinahanap-hanap ng katawan mo.

“Siyempre ngayon pa lang, nakakapag-taping kami ng ilang Sundays so, hinahanap mo yung every Sunday mo sa trabaho.

“Major adjustments siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN