Toni Gonzaga admits making the 'first move' more than hubby Paul Soriano: "Okey lang naman po yun dahil na-deprive naman ako nang matagal."

Toni Gonzaga on delaying plans to have a baby with husband Paul Soriano: “Gusto ko munang i-experience yung relationship naming dalawa. Kasi, for eight years that we've been together, 'di naman talaga namin na-experience yung pagiging couple. Yung mag-travel, yung to explore and experience a lot of things. Kaya ang sabi ko sa kanya na sana ay magawa natin ngayon.”


Mahigit isang buwan pagkatapos nilang ikasal, humarap ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano sa live sit-down interview sa Aquino and Abunda Tonight noong Biyernes, July 24, upang pag-usapan ang kanilang buhay mag-asawa.

Ikinasal sina Toni at Paul noong June 12, 2015 sa Taytay, Rizal.

Nagkataong wala si Kris Aquino kung kaya mag-isa silang kinapanayam ng host na si Boy Abunda.

Sa introduction ng Aquino and Abunda Tonight, nabanggit na dalawang beses nag-honeymoon sina Toni at Paul.

Una ay sa Amanpulo, Palawan, at pangalawa sa Bali, Indonesia.

Sa ngayon, balik-trabaho na ang dalawa, kung saan abala si Paul sa pelikulang ipinuprodyus nito.

Si Toni naman ay nakatakda nang magsimula ng kanyang panibagong teleserye, in five years, sa Kapamilya network.


WAKING UP. Kinumusta ni Boy ang dalawa tungkol sa naging pakiramdam nila nang gumising sila na may ibang taong katabi nila, sa unang pagkakataon, na hindi nila kadugo. Ano ang naging reaksiyon nila?

Sagot ni Toni, “Ako, after 31 years pagkatapos nung June 12, yung June 13, may ibang katabi na ako.

“Kasi usually, either ang kapatid ko [Alex Gonzaga] o ako lang mag-isa.

“Tapos, paggising ko, ‘A, may lalaki na!’”

Singit naman ni Paul, “Yeah, she's like, ‘Oh, my God, I'm living with a boy!’ That's what she said.”

Sabi naman daw ng director-producer, “Yeah, alright, I'm a boy living with you, and that's gonna be for the rest of your life. You gonna deal with it, you gonna deal with it!”

BEACH HONEYMOON. Pagkatapos nito ay napag-usaspan na ang tungkol sa dalawang beach honeymoon nila.

Ayon kay Paul, “First was in Amampolo, that's a gift from our Ninang Kris [Aquino], we did enjoy that for five days.

“Finally, our first time really to explore our beautiful country.”

Sabi naman ni Toni tungkol sa second honeymoon nila, “Sa Bali namin, we attended Paul's friend's wedding.

“Nag-celebrate nga kami our one month being married.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Singit ni Paul, “There's a wedding we attended a wedding, and we extended for a couple of days, and we explored Bali, Indonesia.”

MARRIED COUPLE. Naitanong din ni Boy ang tungkol sa karanasan nila bilang married couple na nanood sila ng sine, tapos na-realize nilang magkasabay na pala silang uuwi sa isang bahay.

Natatawang kuwento ni Toni, “Ah, yeah, after two weeks nung ikinasal kami, nanood kami ng movie sa The Fort, 'tapos nung pupunta na kami sa lobby, isang kotse na lang ang nasa harap namin.

“Dun ko na-realize na, 'Ay, grabe...’

“Kasi before, kapag nanonood kami, laging dalawang kotse, pagkatapos magkahiwalay na kami.

“Uuwi na muna kami [sa kanya-kanyang bahay].”

Matapos nilang ikasal, nag-aaway na ba sila?

Pag-amin ni Paul, “Of course, we're having our arguments now, but it's more like about the house.

“She has different taste, I have a different taste.

“We were collaborating, I'd like to think,” sabi pa niya para nga raw maiwasan ang kanilang diskusyon.

Katulad nga raw ng kama na binili ni Toni.

Kuwento ni Paul, “She goes and buys this bed, and it was very girly.

“There's no way I'm going to sleep [on that bed] every night... half-girly, half-manly.

“At least, it happened before the wedding.”

Pero naibenta naman na raw ito ni Toni.

Paliwanag naman ng TV host-actress, “Nung pumunta siya sa house, sabi niya, ‘You furnish the whole house, you choose the furniture you want.’

“Sabi ko, 'Wow, winner, go!' So, nagpagawa ako, nagpa-custom-made ako.

“Tapos pagdating niya, ‘I'm not going to sleep there, it's too girly-thing.’”

Singit naman ni Paul, “I think she didn't take into consideration that there's a boy who's living in the house.

“So, we changed it.”

Hindi rin daw alam ni Paul na marunong palang magluto ang kanyang asawa.”

“I know she knows how to bake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She never really had the time to cook our own meal.

“But now that we live together, obviously, she has the go to make it to the kitchen.”

Ayon naman kay Toni, “Filipino food ang niluluto ko sa kanya.

“Inaral ko at saka, before, binigyan niya ako ng short course na culinary classes.”

WHO’S WHO? Sino ang mas unang natutulog sa kanila?

Sigaw ni Toni, “Siya! Ten minutes pa lang, tulog na.”

Unang magising?

Sagot ulit ng actress-TV host, “Siya! Ano ba ‘yan?!”

Sino ang humihilik?

Pag-amin ni Paul, “Me.”

Dugtong ni Toni, “Kasi nga, nauuna siyang matulog. Pero ang cute ng hilik niya...”

Sino ang OC (obssessive-compulsive) sa gamit?

Unang sumagot si Paul, “I think both.”

Sabi naman ni Toni, “Pareho kami, pero ibang level ang pagka-OC niya... OCC!”

Sino ang madalas mag-'I love you.'

Sabi ni Toni, “Siya, nahihiya ako, e.”

YAYAAN PORTION. Sa naughty question naman ni Boy na 'Sino ang madalas na nagyayaya" ay nagkatawanan ang mag-asawa, at parang nahihiya pang sumagot.

Pero sabi ni Paul, “Siya!”

Reaksiyon naman ng Kapamilya star habang nagkakatawanan sila, “Ano ba ‘yan? Nakakahiya!

“Pero okey lang naman po yun dahil na-deprive naman ako nang matagal.

“Nasa sahig na ang...”

Ayon naman kay Paul, “But it's not a bad thing, it's a beautiful thing. It's all good.

“It's not a jail house, it's love… 'di ba?”

SEPARATION ANXIETY. Pagkatapos nito ay inalam ni Boy kay Toni kung kumusta ang kanyang separation anxiety

Alam naman kasi ng lahat kung gaano siya ka-close sa kanyang mga magulang at sa kapatid na si Alex.

Saad ni Toni, “Up now, there are moments and there are times na Paul is still reminding me na, ‘Why kapag may mga desisyon tayo, kailangan mo pang tumawag sa mommy mo?’

“Mahirap, kasi before my life, before me, yung family ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga desisyon kasi na kahit small, or big decisions, gusto ko ay ini-inform ko sila.

“So, medyo mahirap pa rin yung separation talaga.”

Dugtong naman ni Paul, “Even we were married, we still value the advice from our parents—her parents and my parents.”

BUILDING A FAMILY. Kailan ba talaga nila ang planong bumuo ng isang pamilya?

Sabi ni Toni, “Sabi ko, gusto ko munang i-experience yung relationship naming dalawa.

“Kasi, for eight years that we've been together, 'di naman talaga namin na-experience yung pagiging couple.

“Yung mag-travel, yung to explore and experience a lot of things.

“Kaya ang sabi ko sa kanya na sana ay magawa natin ngayon.”

Pagsang-ayon naman ni Paul, “Yeah, be with each other first.

"And then... baka next year.

“Getting to know each other and when we bring in that special blessing to the world, at least we experienced that.”

Pabirong singit ni Toni, “Oo, siguro mga next week!”

Pero bawi rin niya, “Baka next year.”

Pero gagawa ng teleserye si Toni, hindi ba nila na-realize na malaking oras ang kakainin nito sa kanilang buhay mag-asawa?

Sabi ni Paul, “Oh, definitely!

“Well, I think the good about it now, in the set-up now, she's definitely here every day when I wake up.

“She's the type naman na when I'm sleeping, she wakes me up, and I make sure that she's home.”

SAM MILBY. Nabuksan din ang usapin tungkol kay Sam Milby na kasama ni Toni sa teleseryeng Written In Our Stars.

Hindi naman kaila na si Sam ay bahagi ng nakaraan ng kanyang asawa. Maging dahilan kaya ito para magselos siya kay Sam?

Diretsahang sagot ni Paul, “Well, I got to know Sam also in the last eight years, and he knows she’s married.

“And he knows he's definitely out of it.


“So, good luck to them. I understand.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN