Liza Soberano calls Piolo Pascual "Tito"; Piolo tells Liza, “Huwag mo nang uulitin 'yon.”

Nagkatuksuhuan kahapon sa episode ng ASAP 20 nang tawagin ng young actress na si Liza Soberano ang matinee idol na si Piolo Pascual ng “Tito Piolo” habang nag-i-spiel sila. Humingi naman ng paumanhin si Liza sa 38-year-old actor.


Hindi inasahan ni Piolo Pascual ang pagtawag sa kanya ni Liza Soberano ng “tito” nang mag-spiel sila—kasama ang ilan pang kapwa Star Magic talents—sa ASAP 20 nitong Linggo, July 26.

Sa nasabing portion, kasama nina Piolo at Liza sina Bea Alonzo, Jodi Sta. Maria, Kathryn Bernardo, at Kim Chiu.

Sa nasabing spiel, binaggit nila ang mga artistang magpe-perform sa mga susunod na production numbers para sa ASAP, na ipinagdiriwang din ang Star Magic Day para sa 23rd anniversary ng talent arm ng ABS-CBN.

Pagkatapos magsalita ni Piolo, sumunod si Liza, na ang bungad ay: “Tama ‘yan, Tito Piolo…”

Dahil dito ay nagtawanan ang mga kasamaha nilang artista at pabiro namang nag-walkout si Piolo.

Bulalas pa ni Jodi, “Ang tanda ng Tito Piolo!”

Biniro rin ni Bea si Piolo at tinawag din itong "Tito".

Sinabihan din ni Piolo si Liza, “Huwag mo nang uulitin yon, Liza.”

Nag-sorry naman ang 17-year-old actress sa 38-year-old actor.

Liza calls Piolo "tito"

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Piolo kahapon din ng picture nila ni Liza habang nasa ASAP backstage.


KUYA PIOLO. Bago ito, nauna nang tinawag na "Kuya" ni Sam Milby si Piolo sa press conference ng pagsasamahan nilang teleserye, ang Written In Our Stars, noong unang linggo ng July.

Natanong kasi si Sam kung ano ang masasabi niya sa paghahambing sa kanya kay Piolo.

Sabi ni Sam sa presscon proper: “I always look up to my kuya, si Piolo.

"He’s mas the veteran actor, he’s been around for a long time, he’s won so many awards.

"So, ako, I think I’m going to learn a lot working with him."

Biro naman ni Piolo kay Sam: "Mamaya mag-usap tayo."

Pero pagbabahagi ni Piolo, simula nang makalabas si Sam mula sa Pinoy Big Brother ay naging kaibigan niya si Sam at nakita itong mag-grow bilang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, nakababatang kapatid din ang tingin niya kay Sam.

Sam Milby expects comparison with Piolo Pascual in upcoming TV series, Written in our Stars, on ABS-CBN.bit.ly/PEPSamPioloWritteninourStars

Posted by pep.ph on Monday, July 6, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN