Jerome Ponce on being linked to Jane Oineza: "Alam ko naman yung limits ko..."

Jerome Ponce is in the process of self-correction. He says, "May mga ugali rin naman ako na 'di okey... May nasasabi akong hindi maganda sa pandinig ng ibang tao. Pero I'm doing my best para maayos po yung mga bagay na dapat kong ayusin. Parang sinuwerte naman na binigyan na naman ako ng chance."


Sobrang saya ni Jerome Ponce na na-extend ang ABS-CBN afternoon series na kinabibilangan niya, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Kaya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na thanksgiving presscon ng kanilang teleserye noong July 24, lubos ang kanyang pasasalamat sa mga manonood na patuloy na sumusubaybay rito.

Saad ni Jerome, "Ako, masayang-masaya po talaga ako.

"Kasi alam niyo naman kung saan ako nag-umpisa, kung paano ako nag-start dito.

"Ewan ko, heto pa rin, e. Despite yung sa sarili ko, ewan ko.

"Kahit ako sa sarili ko, aminado naman ako na parang hindi…

“May mga ugali rin naman ako na 'di okey sa ibang tao, pero heto pa rin ako.”


TOO FRANK, TACKLESS? Paliwanag pa niya, "May nasasabi akong hindi maganda sa pandinig ng ibang tao.

"Yun ang nakasanayan ko noong bata pa ako... may pangit din akong ugali, e.

"Lahat naman siguro ng tao, merong pangit na ugali.

"Yung sa akin lang siguro, kitang-kita, pero minsan nagpapasensiya rin po ako.

"Nami-misinterpret lang sigurong iba, pero I'm doing my best para maaayos po yung mga bagay na dapat kong ayusin."

Dugtong pa ni Jerome, "Open naman po ako at ang isip ko sa mga sinasabi ng mga taong nagkakaproblema sa akin, mga taong nasa taas ko.

"Dapat talaga na pakikinggan ko sila, regarding sa concerns nila sa akin.

"Nagpapasalamat naman ako dahil nandiyan pa rin sila, pinapagalitan ako, at nandiyan sila para matuto ako.

"Kumbaga, parang sinuwerte naman na binigyan na naman ako ng chance."


ABOUT JANE. Sa puntong ito napag-usapan namin ang tungkol sa loveteam nila ni Jane Oineza.

Marami kasi ang humuhula noon na sa kadalasan nilang pagsasama ay magkakadebelopan sila sa isa't isa.

Pero hanggang ngayon ay tila hindi umangat ang level of friendship nilang dalawa, lalo na't bukas naman ang pakikipagmabutihan ni Jane sa basketball star na si Jeron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Jerome, "Talagang yun na yun. I'm just doing my job and doing my craft.

"Gusto ko rin lang pasayahin ang mga taong gustong sumuporta sa amin.

"As much as possble, gusto kong maging in touch kay Jane, kasi ayaw ko ding mawala."

Dahil ba kay Jeron na rumored boyfriend ni Jane?

Pagsang-ayon ng Kapamilya actor, "Kaya naman ako nag-hold back dahil nga dun.

"Pero sa nakikita niyo naman, 'di naman ako naghu-hold back.

“As much as possible, 'di ako pumupunta ako dun sa bagay na meron akong limitations.

"At alam ko naman yung limits ko pagdating kay Jane."

Pero sa presscon proper ay tahasang sinabi ni Jane na hindi pa sila ni Jeron, kaya malaki pa rin ang chance ni Jerome sa Kapamilya actress.

Tugon naman niya, "Who knows, 'di ba?

"Sila naman ang nakaaalam dun.

"I do respect her, siya na lang siguro ang bahala sa ganun.

"I just did the step na parang, 'Heto, open ako.'

"She knows that my doors are open… siya na lang ang mag-open nun."

Naiparamdam na ba niya kay Jane na gusto rin niya talaga ito?

Pagkontra ni Jerome,"No, no... not that I did some actions.

"I do care as a guy and as a friend before, hindi naman ako nagbago sa kanya.

"Pero ngayon, nilimitahan ko lang ng konti dahil alam kong merong guy na nanliligaw talaga sa kanya.

"Like me, wala pa naman akong planong manligaw."


NEW GIRL. Meron din naman daw siyang ibang crush sa showbiz, pero ayaw niyang sabiin kung sino ito.

Nangingiting sabi ni Jerome, "Meron naman, pero siyempre secret lang.

"Una, alam naman natin na magiging isyu 'yan.

"Pangalawa, may show ako.

"At pangatlo, ayaw ko namang ma-misinterpret ang mga bagay-bagay.

"Inspirasyon, ang sarap maging inspirasyon.

"Later on, malalaman niyo naman, kasi siyempre, bilang lalaki, ako gusto ko talagang ipinagmamalaki siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN