Dingdong Dantes confident that wife Marian Rivera will be an ideal mother

If you will ask Dingdong Dantes about politics, you'll likely be laughed at, "Klaro naman yung mga goals ko, klaro naman siya ngayon. At ang mahalaga, yung trabaho sa GMA at sa NYC at saka yung pagiging husband and father. Balita ko, hindi raw ganun kadali ang pagiging daddy.”


Hindi maitago ang excitement ng Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ilang buwan na lang ay masisilayan na nila ang kanilang baby girl.

Talagang noong una pa lang ay naramdaman na raw ni Dingdong na babae ang magiging panganay nilang anak ni Marian.

Nakangiting sabi pa niya, “Gut feel.”

May pangalan na rin ba silang nakahanda?

“May mga pinagpipilian na, pero siyempre may mga strong contender!” natawang sabi niya.

Katulad ng ibang mga empleyado, ia-avail din daw ni Dingdong ang “paternity leave” na seven working days kapag nanganak na si Marian.

Hindi naman daw maselan maglihi si Marian at sabi nga nito, wala siya nung mga cravings o lihi-lihi.

“Meron din naman pero, hindi naman yung markado masyado,” saad ni Dingdong nang makausap PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling entertainment press sa set visit ng Pari ‘Koy sa Roces Avenue, Quezon City, last week.

NEW DISCOVERIES. Sa pagsasama nila ni Marian bilang mag-asawa, may mga pagbabago pa ba silang nakikita o natutuklasan sa isa’t isa?

“Lalo akong nakakasiguro na magiging magaling siyang nanay dahil sa mga ipinapakita niya.

“Tulad sa pag-aalaga niya sa sarili niya, mapu-foresee mo…paano pa kaya kapag sa bata.”

Naging overprotective daw siya ngayon kay Marian, totoo ba?

“Sabi niya?” natawang sabi nito.

Gandang-ganda rin siya lalo ngayon kay Marian.

“Totoo naman yun,” nakangiting sabi niya.


INDULGENT DAD? Tungkol sa kanyang pagiging daddy, malamang ay ma-spoil ni Dingdong ang anak lalo pa nga’t babae ito. Posibleng maging daddy’s girl ito sa kanya.

Nakangiting sabi ni Dingdong, “Naaalala ko dati si Paolo Contis.

"Dinadala niya yung mga babies niya sa taping, yung dalawang babae niya, dinadala niya.”

Ganun din niya nakikita ang sarili?

“Hindi ko alam, nakakaaliw lang,” sabi ni Dingdong.

Posible raw na si Marian ang magiging hands-on mommy talaga sa anak nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, dapat balanse rin ang mga activities niya.

“Hindi naman puwedeng mawala totally yung mga ginagawa na niya.

“Feeling ko siya yung organized, ganun talaga siyang mommy.”

Tototohanin ba nila ang sinasabi ni Marian na gusto nito ay sunud-sunod na ang magiging anak nila?

“Hangga’t puwede po!” natawang sabi niya.

Wala naman daw siyang ideal na bilang ng magiging anak.

Sabi na lang niya, “Kung ilan po ang ibigay, yun na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN