Denise Laurel complains about not being allowed to sing

Denise Laurel is acting on her lament and will produce her own album as soon as she can. In the meantime, she's enjoying the attention of bashers for her villainous role in Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? “Nata-touch din ako kasi very refreshing, sinasabi nila sa akin, ‘I hate you so much but I love you,’" she beams.


Aminado si Denise Laurel na nami-miss niyang gumanap sa romantic leading roles gaya ng ginagawa niya noon sa Precious Heart Romances.

Ngayon kasi ay gumaganap siyang kontrabida sa ABS-CBN afternoon drama series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Pahayag ni Denise, “Nami-miss ko na rin yun, yung love story, romantic, rom-com pero may drama. Nakaka-miss din yun."

Pero natawang pag-amin niya, “What I really miss also is singing because they never let me sing!

"But people who can’t sing naman…"

Kahit masasabing okey ang acting career niya sa Kapamilya network, bumabalik pa rin daw yung kagustuhan niyang balikan ang pag-awit.

Paliwanag ni Denise, “Of course, for me kasi, laking-teatro kasi ako, that’s why it goes hand in hand.

“Musical theater kasi ako at doon ako na-discover.

“And I feel like, hindi naman ako nagtampo, pero there was a time in my life I felt na hindi naman nila ako pakakantahin.

“I won’t use na my voice ever.

"Sumasayaw at kumakanta ako pero hindi ako nabibigyan ng chance."

Nakangiting sabi pa niya, “Pero yung mga bata, nabibigyan ng chance ngayon.”

May hugot din ba siya doon sa mga hindi naman talaga singers, pero may album at nakakapag-concert?

Paglilinaw ni Denise, “No naman, for me it was timing, phases.

"Wala kasi ako sa generation nila, ngayon na lang naging uso ‘yan.

“Pero for me, if it’s really something that I have and I was born with, it’s really something that I can move on to when acting is not so good.

“Nakakainggit when I saw Beyonce, JLo [Jennifer Lopez], Mariah [Carey], all these people whom I like watching.

"Rihanna... oh, I wish I can do that!”

Dagdag pa niya, “I just feel that there are so many talents in the Philippines at hindi sila nabibigyan ng chance.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ACTING VS. SINGING. Ang huli pa raw niyang recording ay ang duet nila ni Kris Lawrence na "I Will Take You Forever" na naging hit daw.

“Even in Malaysia, nag-number one siya,” sabi ni Denise.

Hindi kaya masyado siyang nag-focus sa pag-arte kaya napabayaan din niya ang kanyang singing career?

“No, I think that other people focus on acting.

"But for me na lang, yun ang personal goal ko sa sarili ko, I’ll make it happen to myself.”

Siya na raw ang magpu-produce ng sarili niyang album na sinisimulan na niyang gawin.

Pero dahil na-extend daw ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, hindi pa alam ni Denise kung kailan niya matatapos ang album na ginagawa niya.


VIXEN. Samantala, aware si Denise na maraming nagagalit sa karakter niya sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, pero masaya siya dahil ibig sabihin nito ay epektibo ang kanyang pagganap.

“Nata-touch din ako, kasi very refreshing.

"Sinasabi nila sa akin, ‘I hate you so much but I love you.’

“Parang natutuwa ako na they express how much they hate my character, pero palaging may follow-up.

“Siguro yung ibang mga commenters, netizens, they can be very scary, but I love you.

“Kaya yung puso ko, ang sarap ng pakiramdam.”

Hindi raw masasabi ni Denise na gamay na niya ang pagiging kontrabida dahil ngayon lang siya ulit gumanap ng ganitong klaseng role.

“At least lang, they can say na kahit anong roles ang ibinibigay sa akin, 200 percent ang ibinibigay ko.

“Keribels lang kahit na magkasakit ako, ibibigay ko pa rin, alam mo yun?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN