Daniel Padilla on vaping photo: "Hindi yosi yun at hindi rin yun droga. Vapor po yun, yun lang siya."

Daniel Padilla on young stars being involved in photo and video scandals: “Wala, e, sino ba naman ako para magsabi? Wala akong comment dun. Alagaan ang sarili at huwag masyadong open sa mga tao o magtitiwala.”


Sinagot na ni Daniel Padilla ang tungkol sa lumabas na larawan sa isang blog site na diumano’y may hawak siyang electronic cigarette habang nasa taping ng teleserye nila ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN, ang Pangako Sa 'Yo.

Pahayag ng Kapamilya young actor, “Hindi yosi yun at hindi rin yun droga.

"Vapor po yun, yun lang siya.

“Ayoko nang mag-yosi, hindi ko naman sinasabing lahat mag-break na.

“Pero siguro tayo namang tao, e, may mga sariling buhay rin tayo.”

Mahirap ba para sa isang katulad niyang sikat na maging maingat sa kanyang mga kilos para walang masabing hindi maganda ang tao o ang fans niya?

“Mahirap siyempre, pero wala, e.

“Kung ayaw niyo na sa akin, ayaw niyo na!” natawa niyang sabi.

Natawa ulit si Daniel nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung naaalarma ba siya sa mga naglalabasang eskandalo diumano ng mga kabataang artista gaya niya.

“Tapos na ako dun! Nauna ako... hindi loko lang.”

Ang tinutukoy ni Daniel ay ang kinasangkutan niyang audio scandal noong nakaraang taon.

Read: Daniel Padilla admits authenticity of audio-video recording; Jasmine Curtis Smith admits exchanging text messages with Daniel

Mensahe pa ng tinaguriang Teen King, “Mag-ingat po kayo. At huwag na po kayong nagpi-picture nang nakahubad.”

Naging mas maingat ba siya sa mga ganoong bagay pagkatapos lumabas ng kanyang audio scandal?

“Wala, e, sino ba naman ako para magsabi? Wala akong comment dun.

“Alagaan ang sarili at huwag masyadong open sa mga tao o magtitiwala,” seryosong sabi ni Daniel.

Nakausap ng PEP si Daniel sa launching niya bilang endorser ng Bench Fix Salon at Bench Fix Clay Doh noong Sabado ng gabi, July 25, sa Trinoma Activity Center, sa Quezon City.

THE "LATE" DANIEL PADILLA. Sa nasabing event ay inabot ng mahigit tatlong oras ang paghihintay ng fans at entertainment press kay Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-late ng dating si Daniel dahil naabutan siya ng malakas na ulan at naipit pa sa matinding traffic.

Pero nang narinig ang pangalan niya at i-announce na dumating na siya ay napalitan ng excitement ang pagkainip ng nasa audience.

Sabi ni Daniel sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao, “Every show naman, palaging first time yun.

“Palaging bagong audience yun, hindi naman pare-pareho.

“Palagi lang akong masaya kapag nakikita nating ganyan… kapag marami pa rin ang tao, nakakagana lalo.”

Kinakabahan pa rin siya?

“Oo naman, nasa likod ako kanina, kinakabahan pa rin ako, e,” sagot ni Damiel.


BALDY. Kilala si Daniel na mahilig magpalit ng style ng buhok.

“Oo, palagi akong nagbabago ng style ng buhok. Gusto ko yung may bago lang,” sabi niya.

Rebelasyon nga niya, 13 years old pa lang daw siya ay gumagamit na siya ng Clay Doh.

“‘Tapos, imagine, biglang ngayon, ikaw na ang endorser.

"Ewan ko, nakakatuwa. Sobrang nakakatuwa.”

Nagulat naman ang press nang sabihin niyang may balak siyang magpakalbo.

“Soon, soon,” nakangiti niyang sabi.

Para saan naman at magpapakalbo siya?

“Sa movie, hindi naman kailangan, pero gusto ko,” sabi pa niya.

Paano yung pagiging endorser siya ng hair product?

“May style naman ang pagkakalbo. Kalbo, pero puwede pa rin istaylin ang buhok ko.”

Alam na ba ng ka-loveteam at rumored girlfriend niyang si Kathryn Bernardo ang binabalak niyang pagpapakalbo?

“Oo, piniktyuran na nga niya ko at in-edit niyang kalbo, ganda!” masayang sabi niya.

Parang excited siya sa movie na gagawin niyang yun dahil pinagpaplanuhan na niya agad.

“Every movie naman, iniiba-iba ko ang style ko.”

Pero malamang daw ay pagkatapos pa ng Pangako Sa ‘Yo niya ito gagawin.


“Abangan niyo na lang!” natawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN