PNoy thanks Mar Roxas, other cabinet officials; takes a swipe at VP Jejomar Binay in SONA 2015

PNoy may have yet to declare his presidential bet for May 2016 elections, but he was nevertheless all praises of Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas who’s deemed to be the standard bearer of Liberal Party. On the other, PNoy left out Vice President Jejomar Binay in the list of present and former cabinet officials who was instrumental to the implementation of his “Daang Matuwid” platform.


Sa gitna ng kaliwa’t kanang pambabatikos na natanggap ng administrasyon ni Pangulong Beningno “Noynoy” Aquino III, pinasalamatan niya ang lahat ng gabineteng naging instrumento upang itaguyod ang kanyang adhikain na “Daang Matuwid” sa kanyang ika-anim at panghuling State of the Nation Address (SONA) na ginanap kahapon, July 27.

Ngunit kapansin-pansin ang taus-pusong pasasalamat ni PNoy kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, na pinaniniwalaang napipisil ng Liberal Party na kumandidato bilang Pangulo sa May 2016 elections.

Ayon kay PNoy, hindi matatawaran ang naiambag na kontribusyon ni Secretary Mar sa kabila ng “panlalait” na natatamo nito mula sa detractors.

“Nasa loob o labas ka man ng gobyerno, hindi tumigil sa panlalait sa iyo ang mga kalaban ng Daang Matuwid.

“Dahil nga may bilang ka, dahil talagang may ibubuga ka, nagpupursigi silang ibagsak ka.

“Palibhasa hindi nila kayang iangat ang sarili, kaya pilit ka nilang ibinababa.

“Sa patuloy nilang paninira, ang mga kritiko mo na rin ang nagpapatunay na takot sila sa angkin mong integridad, husay, at kahandaan sa trabaho.

“Mar, pinatutunayan mo: You can’t put a good man down.

“Tulad ng pagtitiwala ng nanay at tatay ko, magtiwala kang alam ng taumbayan kung sino ang tunay na inuuna ang bayan, bago ang sarili," saad ni PNoy sa panghuling bahagi ng kanyang SONA.

Sa kabilang banda, kapansin-pansing hindi nabanggit ni PNoy si Vice President Jejomar Binay sa listahan ng mga gabineteng pinasalamatan niya.

Ngunit hindi man tuwirang pinangalanan sa kanyang SONA, tila si Vice President Binay ang pinatututsadahan ni PNoy na ilan sa mga kumikontra sa adhikain ng kanyang administrasyon.

Lalo pa’t hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang tungkol sa pambabatikos ni Vice President Binay na tinawag na "manhid" at "palpak" ang pamahalaan ni PNoy sa speech ng una noong July 24.

Noong July 22, nag-resign mula sa pagiging cabinet official si Binay na dating nakatalaga bilang presidential adviser kaugnay ng Overseas Filipino Workers (OFW) concerns at chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre po, kahit kaliwa’t kanan na ang ebidensiya ng pagbabago, mayroon pa ring kontra sa Daang Matuwid.

“Ang hirit nila: Mabagal daw tayo. Kapag sila raw ang naging Pangulo, sigurado, gaganda ang buhay.

“Sa mga medyo may edad po, ang isasagot dito, ‘Ah, ganun?’ sabay taas ng kilay.

“Para naman sa kabataan, iba na raw po ang tugon nila sa ganoong pahayag, iba na daw po ang uso ngayon eh: Em di wow,” pahayag ni PNoy na ginamit ang linyang pinasikat ng It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Buwelta pa ng Pangulo, hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang mga akusasyon laban sa kanyang administrasyon na walang sapat na basehan.

“Ang tanong natin: Paano nila gagawin ang mga pangakong iyan? Ang sagot nila: Basta.

“Nasaan ang detalye at konkretong mga plano? Basta.

“Paano ninyo ipatutupad ang inyong mga pangako? Basta.

“Pakiramdam yata nila nadadaan sa basta-basta ang solusyon sa ating mga problema.

“Wala pa rin talagang gamot na naiimbento para sa mga nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan.

“Ang payo ko nga po: Maganda siguro, kapag ganitong harapan nang iniinsulto ang talino ng Pilipino, ilipat muna natin ang channel, at baka may mas mapala pa tayo sa panonood ng sitcom.”


PNOY THANKS HIS FAMILY INCLUDING HOUSE MANAGER. Nagbigay rin ng maiksing mensahe si PNoy sa kanyang mga kapatid na sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, Viel Aquino-Dee, at Kris Aquino na todo ang suporta at sakripisyong ginawa lalo na mula nang manungkulan siya bilang Pangulo ng bansa.

“Sa aking Ate Ballsy, mga kapatid na sina Pinky, Viel, Kris, at sa aking mga bayaw at pamangkin; panahon pa nina Mom at Dad, karamay ko na kayo.

"Nalalapit na ang araw kung kailan hindi ko na kayo kakailanganing idamay sa dagdag pang sakripisyo."

Hindi rin nakalimutan ng Pangulo na magbigay-pugay sa namamahala ng kanyang tahanan na si Yolly Yebes, na buong pagmamalaki pa niyang ipinakilala sa mga mambabatas na dumalo sa kanyang SONA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama si Yolly ni Kris at ibang kaanak ni PNoy na personal na nagtungo sa Batasang Pambansa upang masaksihan ang huling SONA ng Pangulo na magtatapos ang termino sa susunod na taon.

“Sinisiguro mong nakakakain ako sa tamang oras, inaayos ang aking gamit tuwing may biyahe sa Pilipinas man o sa ibang bansa, at kung minsan pa nga ay pinagkakatiwalaan pa kitang humawak ng dokumento at nabibilinan para sa aking trabaho.

“Tunay mong ipinaparamdam ang iyong kalinga hindi lang sa akin, kundi pati sa mga katrabaho ko sa gobyerno.

“Kapag sinabi ko sa iyong, ‘may meeting tayo, pakihanda mo naman ang makakain,’ hindi mo na ako tinatanong ng ‘kailan’ o ‘ilan,’ hindi mo na ako pinag-aalala, tinitiyak mo na lamang na lahat ng kailangan ay maasikaso.

“Yolly, minabuti kong personal mong mapanood ang SONAng ito, para masabi ko sa iyo: Maraming salamat sa pakikiambag mo.”


PNOY: I HAVE FOUGHT THE GOOD FIGHT. Sa loob ng mahigit dalawang oras na SONA ni PNoy, tinalakay niya ang mga positibong pagbabago na itinaguyod ng kanyang administrasyon sa iba't ibang sektor tulad ng imprastraktura, edukasyon, at sektor ng manggagawa.

Partikular na rito ang mekanismong tinaguriang "Pantawid Pamilya" na layuning tugunan ang mga pangangailangan ng pamilyang Pilipino.

Sa katunayan, nagpakita pa ng iba’t ibang video presentation ang Pangulo kung saan ipinakita niya ang testimonya ng ilan sa mga nakinabang sa proyektong ipinatupad ng kanyang administrasyon.

Kaya’t marami man ang kontra sa kanyang administrasyon, naniniwala si PNoy na ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang pagsilbihan ang taong-bayan.

“Mga Boss, aaminin ko: Ni minsan po, hindi ko sinabing ako’y perpekto.

“Minsan, binigo tayo ng ilang inasahan nating alam dapat ang kanilang trabaho.

“Sa mga panahong tila gumana ang pagpapaduda, baka hindi rin namin nahanap agad at naibahagi ang impormasyon sa oras at sa paraang nais ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hinihingi ko po muli ang inyong pag-unawa sa mga bagay na ito.”

Dugtong pa niya: “Sa kabila nito, mahaharap ko ang sinuman at masasabing: Ginawa ko ang pinakamainam na desisyon batay sa kaalaman at kakayahang mayroon tayo sa panahong iyon.

“Kaisa-isang interes ko ang kapakanan ng aking Boss.

“Ginawa ko ang lahat upang iwanang mas makatarungan, mas maunlad, at tumatamasa ng makabuluhang pagbabago ang ating bansa.

"Hahayaan ko na pong kasaysayan ang humusga.

“Gaya nga po noong burol ng aking ina, bibigkasin ko ang Ikalawang aklat ni Timoteo, Kabanata 4, Bersikulo 7: “I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN