Vina Morales admits getting impatient about not having a lovelife; says she's choosy about next relationship

Vina Morales on finding a new love: “Dapat choosy, pero it’s just that, I think, wala pa talaga kong nami-meet na nagkaroon talaga ng spark, nothing serious. But I’m always open if someone asks me. If there’s no spark, I’d rather not prolong the situation.”


Matagal na ring walang napapabalitang karelasyon o bagong boyfriend ang Kapamilya actress-singer na si Vina Morales.

Pero hindi naman itinatago ni Vina na gusto na rin niyang magkaroon ng talagang seryosohan at permanenteng karelasyon.

Nakikipag-date naman daw siya, pero wala pa lang talaga siyang nahahanap o nakikitang lalaki para sa kanya.

Sa presscon para sa pagiging extended ng ABS-CBN afternoon soap na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, noong July 24, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vina kung in love ba siya ngayon.

Nakangiti niyang tugon, “Hindi pa rin, oo, hindi pa rin.

“Wala pa, e. I think, I haven’t met someone special.”

Nagdi-date naman daw siya, pero ang sigurado, wala pa talagang seryoso. At hindi rin naman daw exclusively dating na matatawag ang pakikipag-date niya.

“I make sure that I kinda date, but nothing serious.

"Sana exclusively dating, pero wala pa."

Naitanong namin kay Vina kung hindi ba siya naiinip na magkaroon ng seryosohang karelasyon o makakatuwang sa buhay.

“Sobrang inip na!” natatawang pag-amin niya.

“Six years na,” sabi pa ni Vina, bilang pagtukoy sa tagal na wala siyang karelasyon.

Ang huling naging boyfriend ni Vina ay ang businessman na si Cedric Lee, ama ng anak niyang si Ceana.

CHOOSY. Aminado si Vina na talagang nagiging “choosy” na siya ngayon.

“Dapat choosy, pero it’s just that, I think, wala pa talaga akong nami-meet na nagkaroon talaga ng spark, nothing serious.

"But I’m always open if someone asks me.

"If there’s no spark, I’d rather not prolong the situation."

Ang una raw niyang isinasaalang-alang sa pagpili ng makakarelasyon ay ang kapakanan ng six-year-old niyang anak na si Ceana.

Saad ni Vina, “My priority is my daughter.

"Kailangang priority rin niya is me and my daughter.

"Siguro yun ang first option na magugustuhan ko sa isang... or first na character or situation na magugustuhan ko sa tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naghahanap ba ng father figure ang anak niya?

Sabi ni Vina, “No naman, but she prays na sana she will have a brother or a sister soon.

"Ako naman, pinagpi-pray ko na daddy muna. Mag-asawa.

"But, you know, we’ll see.”

May usapan ba sila ng bunso niyang kapatid na si Shaina Magdayao na dapat si Vina ang unang mag-aasawa?

“Ay, sinabihan ko talaga siya na ako muna. Kung hindi, magra-rally ako!” natatawang biro ni Vina.

Paano kung mas maunang dumating ang lalaking kapalaran na pala ni Shaina?

“Ay, makikita niyo akong nagra-rally. Hindi kakayanin ng powers ko!” tawa na naman niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN