Richard Gomez disagrees with party-list members who staged a protest at PNoy's SONA: “It's not right.”

Richard Gomez: "In my opinion, mali ang ginawa nila, kasi representatives sila, e. They can already voice out their opinions, e. Hindi na nila kailangan maglabas ng kung anu-anong banners dun. They are already... kahit nga mga militante sila, binigyan sila ng pagkakataon na makaupo sa Kongreso. Then, use the Congress as a venue, but not during a SONA."


Dumalo ang aktor na si Richard Gomez sa ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni President Noynoy Aquino, upang samahan ang kanyang asawa na si Congresswoman Lucy Torres ng fourth district ng Leyte.

Kasama rin nila ang kanilang nag-iisang anak na si Juliana Gomez.

Ang SONA, na ginanap sa Batasang Pambansa Complex sa Constitution Hills, Quezon City, kahapon, July 27, ay naging kontrobersiyal dahil sa pag-boo ng ilang Party List representatives na nagtaas ng ilang "palpak" signs bago ito nagsipaglabasan sa Plenary Hall.

Pagkatapos ng SONA ay dumiretso si Richard sa press conference ng pelikulang The Love Affair, kung saan kasama niya sina Dawn Zulueta at Bea Alonzo, na ginanap naman sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Dito ay hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang opinyon ng aktor sa isinagawang protesta ng ilang party-list members.

Saad ni Richard, "May party list na umeksena pagkatapos niyang [PNoy] magsalita, pero expected naman yun sa kanila, na showbiz ang style nila.

"In my opinion, mali ang ginawa nila, kasi representatives sila, e.

"They can already voice out their opinions, e. Hindi na nila kailangan maglabas ng kung anu-anong banners dun.

"They are already... kahit nga mga militante sila, binigyan sila ng pagkakataon na makaupo sa Kongreso.

"Then, use the Congress as a venue, but not during a SONA."

Sa palagay ba niya ay dapat mabigyan ng karampatang parusa ang mga mambabatas na umeksena sa Plenary Hall?

Saad ng award-winning actor, "Siguro dapat ma-sanction, dapat madala sa Ethics Committee.

"Kasi, it's not right, that's my opinion."

PNOY'S SONA. Ano naman ang assessment ni Richard sa mga sinabi ni Pangulong Aquino sa pinakahuling SONA nito?

Tugon niya, "Well, we expected na mahaba ang kanyang SONA dahil ito ang huling SONA niya.

"Maganda yun, maganda ang achievements ni Presidente, especially pagdating sa paggawa ng mga kalsada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi natin masyadong napapansin yun sa Metro Manila, pero when you go to the provinces, dun mo makikita na napaganda niya ang mga kalsada—napasimento at napaaspalto.

"May mga napagawang mga bagong tulay, bagong highway, bagong bypass.

"And that' s very important dun sa mga nakatira sa labas ng Metro Manila."

Isa rin sa highlights ng mensahe ng Pangulo ay ang pagsugpo nito sa corruption sa gobyerno.

Ano ang masasabi ni Richard dito?

Saad niya, "That is something we have to assess after his term.

"Kung talaga bang naging ganun o hindi."

Ano naman ang opinyon ni Richard sa Anti-Dynasty Bill na gustong maipasa ni President Noynoy bago matapos ang kanyang termino?

"Ano kasi tayo, e, democracy, e.

"And in a democratic world, paano mo masasabi na...

"May kalayaan tayo na puwede nating gawin ang gusto natin, e.

"As long as we are not above the law, e.

"Anti-dynasty? I hope it passes, but I doubt it."


POLITICAL PLANS. Sa parte naman ni Richard, wala na ba talaga siyang planong tumakbo sa anumang posisyon sa 2016?

Mabilis niyang sagot, "Si Lucy, si Lucy kasi, siya pa rin ang congreswoman dun.

"Hindi, hindi... may dalawa pang terms si Lucy, e."

Nilagyan na ba ni Richard ng tuldok ang kanyang political plans?

Giit ni Richard, "I can always wait after Lucy's term.

"Ang dami ko pang ginagawa, busing-busy, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN