Winwyn Marquez on Renee Salud's opinion that she is not beauty-queen material: “Sasali ako kung gusto kong sumali.”

Ano ang masasabi ni Winwyn Marquez sa pahayag ni Renee Salud na hindi siya bagay maging beauty queen? Sagot ng Kapuso actress, “If one person thinks I'm not a beauty-queen material, then it's fine. Pero at least sa akin naman kasi, hindi ako magbi-base sa opinyon ng tao.”


Hindi pa rin nakakapagdesisyon si Winwyn Marquez kung sasali siyang muli sa national beauty pageant pagkatapos mabigong masungkit ang alinmang korona sa Binibining Pilipinas 2015.

“Right now, I'm not thinking about it.

"Siyempre kakatapos lang nun, kung mag-decide ako agad-agad, baka mabigla ako.

“Let's see next year kung sasali ako o hindi.

"We'll never know," pahayag ng aspiring beauty queen sa opening ng Book and Borders Café, sa Tomas Morato, Quezon City, ngayong Martes, July 28.

Paglilinaw ni Winwyn, hindi nagtatapos ang kanyang pangarap kahit hindi siya nakakuha ng major crown sa sinalihang beauty pageant.

“I was very vocal na I wanted to be a beauty queen talaga, and if maramdaman ko ulit na gusto kong sumali, then why not?

"Let's see next year," sabi niya.

NOT BEAUTY-QUEEN MATERIAL? Kinuha rin ang reaksiyon ni Winwyn tungkol sa opinyon ng batikang fashion designer na si Renee Salud na hindi siya beauty-queen material.

Read: Renee Salud says Liza Soberano stands out among showbiz beauties; Winwyn Marquez not a beauty-queen material

Incidentally, si Renee ang naka-discover sa tiyahin ni Winwyn na si Melanie Marquez, na nanalong Miss International noong 1979.

Kapatid ni Melanie ang ama ni Winwyn na si Joey Marquez.

Pahayag ng Kapuso actress, “People have opinions and I respect it naman.

“If one person thinks I'm not a beauty-queen material, then it's fine.

“Pero at least, sa akin naman kasi, hindi ako magbi-base sa opinyon ng tao.

“Kung gusto kong sumali, sasali ako.

“But I respect what he said.”

Dugtong pa ni Winwyn, “And gusto ko nga siyang makausap, actually.

“Mentor siya ng tita [Melanie] ko. I've never met him.

“Respeto lang din [sa kanya].

"Okay lang, hindi naman ako na-offend.

"Kasi nung sumali ako [ng Binibining Pilipinas], people were telling me kaliwa't kanang [criticisms].

"Hindi ko na maintindihan, masakit sa loob and everything, pero I just treated it as something na tatagan ang loob ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL AN ACHIEVEMENT. Aminado si Winwyn na nasaktan siya, “Pero you just have to handle it well, you just have to respect people's opinion.”

Dagdag pa niya, hindi dapat nililimitahan ang katangian ng isang aspiring beauty queen.

“For me, huwag dapat nilang lagyan ng image [ng isang beauty queen].

“Kung ano yung personality mo, kung ano yung hitsura mo, kung kaya mong dalhin yung personality mo, you're a beauty queen na rin.

“If you want to join, if you're confident enough, then join.”

Achievement na rin daw para kay Winwyn ang makasali siya sa Binibining Pilipinas noong March at makapasok sa Top 15 at nanalong Best National Costume.

“Makasali lang ako dun, makasagot lang ako sa Q and A [question-and-answer portion], winner na 'ko dun.

"Kahit wala na akong korona, hindi ko lang napahiya ang sarili ko, that's fine with me, that's okay with me."

Samantala, bahagi si Winwyn ng GMA teleseryeng The Half Sisters na magpapatuloy hanggang October.

Abala rin daw siya sa non-showbiz activities, kagaya ng pagnenegosyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN