Kris Aquino thanks Maria Sofia Love for praising PNoy; Maria Sofia Love responds to Kris

Pinasalamatan ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang social media celebrity na si Maria Sofia Love dahil sa pagpuri nito kay PNoy.


Pinasalamatan ni Kris Aquino ang online sensation na si Maria Sofia Love dahil sa pagpuri nito sa kapatid ng Queen of All Media na si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Sabi ni Kris sa kanyang Instagram account nitong gabi ng Martes, July 28, ipinakita sa kanya ng kaibigan at Kris TV head writer na si Darla Sauler ang Facebook video ni Maria Sofia kunsaan pinuri si PNoy sa huling State of the Nation Address o SONA nito.

Sa Instagram post ni Kris ay naka-post din ang nasabing Facebook video ni Maria Sofia, na naka-base ngayon sa London.

“I hope my heartfelt gratitude on behalf of our family reaches you!” simula ng mensahe ng TV host-actress para sa Internet sensation.

Binanggit din ni Kris ang kalituhan niya sa paggamit ni Maria Sofia ng salitang “merese.”

Sabi ni Kris, sinabihan siya ng kanyang writers na ginagamit ang “merese” sa gay lingó na ang ibig sabihin ay “dedma, walang pakialam o keber.”

Pero sa kanyang pagri-research, napag-alaman niyang ang ibig sabihin nito ay “serves you right o buti nga sa iyo.”

Marami ang nag-respond sa Instagram post ni Kris at sinabing ang nasabing salita ay Ilonggo word na nangangahulugan ng “buti nga sa iyo.”

Narito ang transcription ng video ni Maria Sofia Love kung saan ginamit niya ang salitang 'merese':

“I-promote ang Pilipinas kahit saang lupalop ng mundo. Tulungan si PNoy.

“PNoy, don't worry. Kahit inaway ka nila sa SONA, merese, merese tayo!

"Wala tayong pakialam sa kanila, basta alam ko, naiangat mo ang ekonomiya ng Pilipinas.

"Confirmed! Pinag-aralan ko 'yan. Nagsunog ako ng kilay d'yan.

"PNoy, thank you for doing the very best of you. Naingat talaga ang Pilipinas. Pak na pak na pak!”

Sinabi ni Kris na umaasa siyang makararating kay Maria Sofia love ang kanyang mensahe para direktang maipaliwanag sa kanya ng social media celebrity ang mensahe nito para kay PNoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MARIA SOFIA RESPONDS. Ilang oras lang ang nakalilipas, sumagot naman si Maria Sofia sa kanyang Facebook account at nag-iwan ng mensahe para kay Kris.

Pinasalamatan niya ang Kris TV host at ipinaliwanag ang kanyang mensahe sa naunang video tungkol kay PNoy.

“And to answer Miss Kris Aquino's question about 'merese,' Miss Kris, thank you so much na nabasa....

"Naku, si Darla pala ang dahilan, e. Pak!

“Both of you, thank you so much my love, my kapatid.

“Merese means deadma, keber."

Sa mga sumunod na pahayag, binanggit ni Maria Sofia si “Ninoy,” ang palayaw ng yumaong ama ni Kris—ang dating senador na si Benigno Aquino Jr.

Marami naman ang nag-comment sa FB post ni Maria Sofia at sinabing marahil ang tinutukoy ni Maria Sofia ay si PNoy at hindi si Ninoy.

Pagpapatuloy ng mensahe ni Maria Sofia, “You know, for so many president[s], talagang si [PNoy] lang talaga ang naging proud ako for so many years.

“Dinenay kong Pilipino ako dahil sa nangyayari sa Pilipinas, but lately, talagang kahit saan ako magpunta, I'm proud to be a Filipino because of our President [PNoy].

“Totoo 'yan, dinenay ko talagang Pilipino ako.

“Ngayon, proud na 'ko, pino-promote ko pa, and that's the reason why nagmo-modeling ako, para sa kanya. Alam mo 'yan.”

Nanawagan pa si Maria Sofia sa kanyang mga kababayan na sana ay makipagtulungan sa pamahalaan at maging matalino sa darating na eleksyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN