Brian Llamanzares not surprised by attacks against mom Senator Grace Poe

Brian Llamanzares on possibility of his mom, Senator Grace Poe, running for higher office: "If anything, ipinakita naman ng nanay ko sa mga committee hearings niya, na kung sakaling bigyan siya ng pagkakataon para mag-serve ng higher office, kaya niya naman. Yun nga lang, it's not just her that she's considering, it's not just her family. But also the people, what the people really want, and what they really need."


Kasama ni Senator Grace Poe sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang mister na si Neil Llamanzares at mga anak na sina Brian at Hannah.

Habang abala si Senator Grace sa pagpapa-interview sa ibang media sa lobby ng Batasang Pambansa noong Lunes, July 27, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon upang makapanayam ang kanyang panganay na anak na si Brian Llamanzares.

Tinanong ng PEP kay Brian kung ang pakiramdam niya sa mataas na performance ratings ng kanyang ina, pati na ang pagiging strong contender nito bilang presidential candidate sa 2016 national elections.

Saad niya, "Siyempre, nakakataba ng puso, kasi ang ibig sabihin niyan ay ang tiwala ng mga tao ay nasa kanya.

"But, of course, my mom has to consider all the options.

"Kaya hanggang ngayon ay wala pa siyang pormal na desisyon."

Ano ang opinyon ng kanilang pamilya sa pag-uudyok ng ilang sektor na tumakbo si Senator Grace bilang Presidente ng Pilipinas?

Sagot ni Brian, "Well, kami, masaya kami.

"Siyempre nanay ko 'yan, nanay namin 'yan.

"Nakaka-proud naman talaga.

"Pero naaalala namin yung hirap noong 2013, yung hirap noong 2004.

"So, siyempre, all things with the grain of salt, naniniwala talaga kami."

Dugtong pa ng senator's son, "If anything, ipinakita naman ng nanay ko sa mga committee hearings niya, na kung sakaling bigyan siya ng pagkakataon para mag-serve ng higher office, kaya niya naman.

"Yun nga lang, it's not just her that she's considering, it's not just her family.

"But also the people, what the people really want, and what they really need."

Bilang anak, ano ang encouragement na ibinibigay niya sa kanyang ina?

Sabi ni Brian, "I just tell her na, kung ano ang magiging desisyon niya, 'andito lang ako.

"Kahit kailan, kahit ano ang kailangan niya, 'andito ako.

"Buo ang suporta ko sa kanya, ang paniniwala ko sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CITIZENSHIP ISSUE. Hindi pa man kumpirmado kung kakandidato nga si Senator Grace bilang Pangulo sa 2016, ilang sektor na ang kumukuwestiyon sa qualifications nito, partikular na ang tungkol sa citizenship nito.

Ano ang masasabi ni Brian dito?

Tugon niya, "We're not surprised.

"Yun din naman ang tactic na ginamit nila against my grandfather [the late Fernando Poe Jr.] in 2004.

"Sad that they haven't learned since '04.

“Pero sa totoo lang naman, my mom is a natural-born Filipino and there’s no question about that.

"Maybe she's adopted, but the point is, she's still a Filipino."

Paano kung sa dulo ay si DILG Secretary Mar Roxas ang iendorso ni Pangulong Aquino bilang presidential bet nito sa 2016?

Pahayag ng panganay na anak ni Senator Grace, “I respect the President, I would respect his decision.

"Siyempre, my mom also respects the President.

"Ang malinaw naman talaga ay sino ba ang kandidato na sa tingin ni PNoy ay yung maitutuloy ang ‘Tuwid na Daan.’

"And, sa tingin naman ng nanay ko, the President will make a decision for the people.

"So, it's okay naman na whatever the President makes, my mom will respect."

Naghahanda na ba sila ngayon sa susunod na pakikibaka ng kanilang ina sa political arena?

Napangiting tugon ni Brian, "We don't know if we’ll be truly ready talaga for the race like that—kung Vice President o President man.

"But when the ball starts rolling, we’ll all be there to support her, 101 percent."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN