Aiko Melendez introduces new inspiration to the press at YES! 15th anniversary party

Pitong taong nabakante ang puso ni Aiko Melendez, pero ngayon ay may nagpapaligaya na raw sa kanya—ang Spanish businessman na si Mario Claudio. Ayon sa aktres, kakakilala pa lang nila at hindi pa naman sila officially together.


Pagkatapos ng halos pitong taon na pagiging single, may nagpapasayang muli sa puso ng aktres na si Aiko Melendez.

“I haven’t dated for seven years, ‘di ba?

“I just have to say somebody is making me smile na.

"He’s just there on the side," sabi ni Aiko sa media na nag-cover ng YES! Magazine 15th anniversary party noong Lunes, July 27, sa Crowne Plaza.

Matapos nito, nayakag ng media na sumali sa interview ang inginuso ni Aiko na foreigner, na nakaantabay lang sa kanya sa red carpet area.

Kaagad ding ipinakilala ng aktres sa press ang nasabing lalaki, na may mga kasama ring foreigner bodyguards.

Sabi ni Aiko, “He’s Mario Claudio, he’s a very private person, from Spain.

“My friend, siya yung nag-date sa amin.”

Araw-araw raw silang nagkikita ni Mario simula nang sila’y nagkakilala.

Binalingan ng press si Mario at inusisa kung ano ang negosyo nito sa bansa.

Sagot niya, “I’m a building contractor.”

Ano ang masasabi niya tungkol kay Aiko?

Nakangiting sagot ni Mario, “I’m happy because I met Aiko and I’m very happy.”

Ano ang mga nagustuhan niya sa aktres?

“She’s beautiful.”

Are they officially together?

“No, we are dating,” halos magkasabay na sagot nina Aiko at Mario.

Ano naman ang mga nagustuhan ni Aiko kay Mario?

Tugon ng 39-year-old actress, “He makes me smile.

“I have that smile but this smile is kinda sweeter.”

Ang huling nakarelasyon ni Aiko ay si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, na kalaunan ay nakarelasyon ni Ara Mina ngunit nagkahiwalay rin sila kahit na nagkaroon sila ng anak.

BLESSED AIKO. Bukod sa masaya niyang lovelife, maganda rin ang takbo ng showbiz career ni Aiko.

Pagbabalita niya, “I am doing a soap with Kim Chiu.

"And I’m doing a movie, Etiquette for Mistresses, I’m part of it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I’m really excited, I’m really blessed this year, kasi sobrang loaded ako ng projects.

"God has been really good to me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN