Barbie Forteza doesn't expect former loveteam partner Joshua Dionisio in her debut: “Ayoko umasa.”

Barbie Forteza admits she feels bad her loveteam with Joshua Dionisio broke up. "Kasi si Joshua ang una kong naka-loveteam. Hindi mo naman makakalimutan yung mga first sa buhay mo, ‘di ba?"


Ayaw raw umasa ng Kapuso Tween Queen na si Barbie Forteza na babatiin siya ng kanyang dating ka-loveteam na si Joshua Dionisio sa kanyang 18thbirthday on July 31, Friday.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Barbie sa kanyang birthday presscon last July 28, sa 17thfloor ng GMA Network Center, sinabi niyang matagal na silang hindi nagkikita at nagkakausap ni Joshua.

Sumikat ang tambalang JoshBie (Joshua and Barbie), na nagsimula sa teleseryeng Stairway To Heaven noong 2009.

Nasundan ito ng iba pang pagtatambal nila sa First Time, Nita Negrita, Ikaw Lang Ang Mamahalin, at Reel Love Presents Tween Hearts.

LAST ENCOUNTER. Ayon kay Barbie, “Huli po kaming nagkita ni Josh noong May pa. Sa show po yon ng Unisilver.

“Nabanggit nga niya na busy siya sa school.

“After that, hindi na kami nagkita pa ulit. Kahit sa text wala rin po.”

Kaya kung babatiin daw siya ni Josh sa mismong birthday niya, ikatutuwa niya ito.

“At least naalala niya ang birthday ko, ‘di ba?

"Kung hindi naman siya mag-greet, okey rin naman. Ayoko naman pong umasa.

“Ang importante ay nakatanggap na ako ng mga greetings mula sa mga taong nagmamahal sa akin.”

FROM JOSHUA TO ANDRE. Inamin ni Barbie na nanghinayang siya dahil biglang nawala ang loveteam nila ni Joshua.

"Kasi si Joshua ang una kong naka-loveteam. Hindi mo naman makakalimutan yung mga first sa buhay mo, ‘di ba?

“'Tsaka nakailang birthdays din ako na kasama ko siya.

“Pero ganun po talaga ang buhay. Natanggap ko naman na ‘yon matagal na.

“Ngayon, happy ako sa loveteam namin ni Andre Paras sa The Half Sisters.

"Pareho kasi kaming makulit. Magtinginan lang kami ay natatawa na kami sa isa’t isa.

“Si Andre, mukha lang tahimik at serious ‘yan. Pero isa siya sa nangunguna sa pagiging makulit sa set ng taping namin parati,” pambubuking ni Barbie sa bagong kapareha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEA BINENE-JAKE VARGAS ISSUE. Tinanong din ng PEP si Barbie kung nagkaroon ba ng chance na mag-open up sa kanya ang co-tween actress niyang si Bea Binene tungkol sa nangyaring hiwalayan nila ni Jake Vargas.

Tugon niya, “Kapag nag-uusapan naman po kami ni Bea, wala siyang nababanggit.

“Bilang kaibigan nila, nalulungkot ako sa nangyari sa kanila ni Jake.

“Pero ayoko pong makialam.

“Unless magkuwento po si Bea, doon lang ako slightly mai-involve.

“Pero wala naman po siyang naikukuwento kaya respetuhin ko na lang po ‘yon,” diin niya.

Balita kasing umiwas daw si Bea na magkita sila ni Jake sa naganap na GMA Fans Day sa Mall of Asia Arena last July 26.

Sabi ni Barbie, “Hindi ko po alam na may ganun.

“Kasi po magkaiba ang dressing rooms namin ni Bea. Nandoon ako sa dressing room ng The Half Sisters at si Bea nasa Vampire Ang Daddy Ko.

“Pinuntahan ko naman po si Bea at nakita ko naman po na masaya siya. Naikuwento nga niya na abala siya sa school.

“Si Jake, hindi ko po siya nakita sa backstage. Kaya hindi ko siya nakumusta.”

BIRTHDAY WISH. Isang birthday wish naman ni Barbie na natupad ay ang maka-graduate siya ng high school.

Grumadweyt siya last June mula sa Alternative Learning System ng San Francisco High School in Quezon City.

Ang gusto ngang kuning course ni Barbie sa college ay B.S. in Criminology and Criminal Justice.

Paliwanag niya, “Hilig ko pong manood ng mga crime drama series na CSI at NCIS.

“Nagkainteres ako sa mga ginagawa nilang pag-investigate ng mga kaso.

"Parang exciting kasi at marami akong matututunan. Makakatulong pa ako sa mga unsolved na kaso.

"Wala po kasing online course on criminology. Kailangan mag-enrol ako sa school talaga.

“Hopefully, kapag nabigyan ako ng time, ang pagtapos naman ng college ang gusto kong matupad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa The Half Sisters, kasali si Barbie sa upcoming Sunday noontime show na Sunday PINASaya.

May tinutulungan din si Barbie na mga bata ng Philippines Children’s Medical Center o PCMC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN