Drew Arellano on having a baby: "I am really, really excited and I welcome the challenge."

Drew Arellano is the newest host of GMA's 3-minute cooking show Home Foodie.


“Next year, hopefully.”

Ito ang maikling sagot ni Drew Arellano nang tanungin kung kailan nila balak magkaroon ng anak ng asawa niyang si Iya Villania.

Biro pa ng Kapuso TV host, “We’re having a baby, just kidding!

"It’s really a blessing. We talk about it every single day, which is nakakakilig."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Drew sa launch ng bagong 3-minute cooking show niya sa GMA Network, ang Home Foodie, ngayong araw, July 29.

HONEYMOON STAGE. Ayon kay Drew, sa kasalukuyan ay gusto muna nilang i-enjoy ni Iya ang kanilang honeymoon stage.

“We’ve been married for more than a year now, a year and a half, I don’t know... it feels like last week.

“Kasi, parang the honeymoon stage, we feel like we really can stretch out that honeymoon stage.

"Our relationship kasi, for us, it’s different, kasi we’re best friends, e, and lovers at the same time.

"I don’t know... it sounds funny, but it really works for us."

Patuloy niya, “More honeymoon period, more practice.

“Everything is all planned out.

"We’d love to think na, by next year, pagpalain na kami ng Diyos na makakabuo kami ng bata.

“So, yun, I guess siguro for three years of being married, we just really want to take advantage of you and I.

“We can travel together, we can do stuff together.

"And darating [din] yung next chapter na meron nang maliit."

9 P.M. RULE. Parehong abala sina Drew at Iya sa kani-kanilang mga trabaho, kaya naman hindi maiwasang tanungin kung mayroon pa ba silang oras para sa isa’t isa.

Agad namang sinabi ni Drew na mayroon silang 9 P.M. rule, kung saan kailangan ay nakahiga o patulog na sila nung mga oras na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We really treasure our time together.

"We make it a point that we are at home in time.

“We want to sleep early, not naman na it’s a need, pero it’s a habit.

“It’s also great waking up na wala pang araw.

“Ganun kami, e. I wake up at 5 A.M. and then manonood na ako ng Unang Hirit [morning show of GMA].

"Sabi ko, 'Uy, wala na ako dun, yes!' Hindi, loko lang

"But, really, it’s great waking up really early in the morning so we can cook together and do exercises together."

ON HAVING A BABY. Hindi man kasama sa plano nila ngayong taon ang pagbuo ng sariling pamilya, aminado ang 35-year-old TV host na excited siya at handa siya sa challenge ng pagiging ama.

Sabi ni Drew, “I’d like to think so because we never experienced having a little one.

"I guess mga pamangkin lang, pero iba pa rin yung sa ‘yo.

“Kasi lahat ng kasama ko sa trabaho, sa Biyahe [Ni Drew], sabay na kaming lumaki, e.

"Lahat sila nag-asawa na rin, nagkaroon ng bata.

"When we talk about it, like these are the people that you spend time with and we talk about stuff na, 'Ang laki ng pagbabago, bro, 'no? Magbabago talaga yung buhay mo.'

"So, sinasabi nila sa akin 'yan dahil ako lang yung walang experience

“So, I am really, really excited and I welcome the challenge.”

IMPORTANCE OF ME TIME. Ipinagyabang din ni Drew na mayroon silang balanseng buhay ng kanyang asawa.

Pareho raw nilang nabibigyan ng oras ang sarili, trabaho, at ang isa’t isa.

Kaya naman naibahagi ni Drew ang importansiya ng 'me time' para sa kanilang dalawa.

“How we think as a couple, if we wanna do it, we’re gonna do it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, we live for the moment.

"Of course, we plan ahead, we try to do what we want to do because there’s work, but work doesn’t own us.

“So, parang we have ample time for work, for the both of us, ample time for yourself.

"I am so proud that we have a balanced life together.

“Para sa akin, napakaimportante ng me time.

“Sobrang importante ng me time... kahit na tatakbo ako nang mag-isa ng isang oras or lalangoy ako.

"Kahit naman lumangoy kami nang sabay, hindi pa rin kami mag-uusap, e.

“It’s your time for yourself and I think it’s very healthy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN